Chapter 30.2

3.1K 29 0
                                    

NAPATIGIL si Elij sa pagbabasa ng hawak na magazine dahil sa pang-aabalang ginagawa ni Thaddeus na nakahiga sa sofa habang nakaunan ang ulo sa kandungan niya. Tiningnan niya ito ng masama at ipinatong ang magazine sa mesang nasa gilid.
“Kung gusto mong maglaro, Thaddeus, doon ka sa labas,” pagalit niya dito.
“Malapit na tayong ikasal, sweetie, ang sungit mo pa rin,” sagot pa nito.
Marahan niyang tinapik ang bibig nito. “Ang galing mo talagang sumagot.”
Ngumiti lang ito at muli na namang hinaplos ang tiyan niya. Kanina pa nito ginagawa iyon.
“I want a baby in here already,” anito.
Napangiti siya sa sinabi nito. Iyon din ang gusto niya. Gustong-gusto niyang dalhin ang anak nito. Gusto niya ring maging kamukha nito iyon at mamana ang mga dimples na nasa magkabilang pisngi nito.
Bumangon ito at umupo sa tabi niya. He kissed her cheek and made his way to her earlobe. “Let’s try again, sweetie,” bulong pa nito.
Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Hindi ba sabi mo magpipigil ka hanggang sa kasal natin?” paalala niya dito sa sinabi nito noong gabi matapos nitong mag-propose sa kanya.
Nagmukmok ito na parang bata. Umiling na lang siya at muling kinuha ang magazine na binabasa.
Maya-maya ay nakita nila ang pagpasok ni Manang Luisa. “Thaddeus, hijo, may naghahanap sa’yo sa labas,” anito. “Isang batang babae.”
“Batang babae?” nagtatakang ulit ni Thaddeus.
“Oo,” sagot ni Manang Luisa. “Mukhang takot na takot. Puntahan mo muna.”
Kahit nagtataka pa rin ay tumayo na si Thaddeus. Dahil curious din siya kaya sumama na siya dito. Nagulat pa siya nang makilala kung sino ang batang nasa labas ng gate. Si Myca iyon – ang half-sister ni Thaddeus.
“Myca?” agad siyang lumapit dito. Halatang galing lang ito sa pag-iyak.
“Kilala mo siya?” narinig niyang tanong ni Thaddeus.
Tumingin siya dito. “Siya ang… isa sa mga kapatid mo, Thaddeus,” sagot niya.
Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Thaddeus pero agad ding nahalinhan iyon ng galit. “Anong ginagawa niya dito?”
Mabilis na lumapit si Myca kay Thaddeus at hinawakan ang isang kamay nito. “K-Kuya… Kuya, tulungan niyo kami,” umiiyak na ito.
Lumapit siya kay Myca at hinawakan ito sa magkabilang balikat. “Anong nangyari sa inyo, Myca?” nag-aalalang tanong niya.
“Sina Papa… sina Papa… dinukot sila ng masasamang tao,” humagulhol na ito. “P-Pinalaya ako noong masamang lalaki… a-ang sabi niya puntahan ko daw si Kuya Thaddeus… dahil papatayin niya daw silang lahat.”
Bumalot ang matinding takot sa puso niya sa narinig. “Sinong dumukot sa kanila, Myca?”
Umiling ito. “H-Hindi ko po alam… p-pero,” may kinuha itong isang pirasong papel sa bulsa nito. “S-Sabi niya… ibigay ko daw ito kay Kuya.”
Napatingin siya kay Thaddeus nang hablutin nito ang hawak na papel ni Myca. Lumapit naman siya dito para basahin din ang nakasulat doon.
Kailangan ninyong pagbayarang mag-ama ang ginawa ninyong kasalanan sa akin.
Uunahin ko na ang ama mong tumalikod sa akin sa korte!
Napasinghap siya. Isa lang ang maaaring gumawa noon. Si Ricardo Domingo na kliyente ng ama ni Thaddeus na tinalikuran nito noon! Pero hindi ba nasa kulungan na ito? Paanong nagagawa pa nito ang mga bagay na ito?
Mabilis na pumasok si Thaddeus sa loob ng bahay. Niyaya niya rin papasok si Myca. Pagkarating nila sa loob ay nasa telepono na si Thaddeus at may kausap.
“Paanong nakatakas siya?!” galit na sigaw nito. “Mga wala kayong kuwenta!” malakas nitong ibinagsak ang telepono.
Base sa narinig ay siguradong nakatakas nga sa kulungan ang Ricardo na iyon at balak ng gantihan si Thaddeus at ang ama nito.
Ilang sandali lang ay nagulat pa sila nang marinig ang pagtunog muli ng telepono. Sinagot iyon ni Thaddeus.
“Walang hiya ka, Ricardo!” bulyaw ni Thaddeus. “Anong mapapala mo sa mga ginagawa mo?!”
Napalapit na siya dito. Gusto niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Hinawakan niya ang kamay ni Thaddeus para pakalmahin ang panginginig nito sa galit. Nagtaka pa siya nang ibaba na nito ang telepono nang walang ibang sinabi.
Tumingin sa kanya si Thaddeus. “Bantayan mo ang kapatid ko, Elij,” utos nito.
Hindi niya pinakawalan ang kamay nito. “Saan ka pupunta?” puno ng takot na tanong niya.
“Kailangan ko silang puntahan, iyon lang ang paraan para palayain nila ang iba ko pang mga kapatid.”
“Sasama ako,” mabilis na sabi niya. Hindi niya hahayaang pumunta ito doon ng mag-isa.
Matigas ang naging pag-iling nito. “Hindi, Elij. Dito ka lang, ayokong mapahamak ka doon.”
“No! Sasama ako, Thaddeus!”
Ipinikit nito ang mga mata. “Listen to me—”
“No, you listen to me!” putol niya dito. “Pinangako ko sa sarili ko na palagi akong nasa tabi mo, na palagi kitang po-protektahan. Thaddeus, please, ayoko ng mapahamak ka,” napahagulhol na siya. Hindi niya na kakayaning mawala pa ulit ito.
“Alright, alright, sweetie,” pagsuko nito. “Pero huli kang pupunta doon, Elij. Ayokong malaman niya na may kasama ako. Tumawag ka ng mga pulis, okay?” sinabi nito sa kanya ang address ng isang lugar. Ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang kamay nito at mariing hinagkan ang mga labi niya. “I love you,” pagkatapos ay tumakbo na ito palabas.
Hindi niya na nagawang sundan ito dahil tuluyan ng bumigay ang mga tuhod niya. Oh, Lord, please. Please, protektahan niyo siya. Please.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now