Chapter 15.5

2.5K 32 0
                                    

BINUKSAN ni Elij ang pinto ng sasakyan ni Thaddeus para lumabas doon pero bago niya pa magawa iyon ay naroroon na si Thaddeus at muli siyang binuhat.
“Kaya ko ng—”
“Stop talking, Elij,” putol nito sa kanya. Binuhat siya nito papasok sa loob ng bahay nito. Dumiretso ito sa living area at maingat siyang pinaupo sa sofa. “Wait here,” utos pa nito bago lumayo.
Nang makabalik ito ay may dala na itong first-aid kit. Umupo ito sa sahig at maingat na ini-angat ang kanang paa niya. Napangiwi siya sa sakit na nararamdaman.
Nag-aalala itong nag-angat ng tingin sa kanya. “Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” tanong nito.
Umiling siya. “Maaayos rin naman ‘yan.” Sanay na siya sa ganitong mga pilay. Masakit lang ito sa una pero gagaling din ito.
Tumango ito at sinimulan ng lagyan ng bandage ang paa niya. Nakatitig lang siya dito habang ginagawa nito iyon. Wala pang tao ang gumawa ng ganoong pag-aalaga sa kanya, ito lang.
“Pasensiya ka na kung pati ikaw napag-diskitahan ng babaeng iyon,” sabi nito. Nang matapos ito sa ginagawa ay muli itong tumingin sa kanya. “Huwag kang mag-alala, naipahiya ko na rin naman siya kanina.”
Bumuntong-hininga siya at sumulyap sa bandage na nasa paa. “Salamat,” wika niya.
“Wala ‘yan,” napailing ito. “Mukhang mahihirapan kang maglakad niyan ng ilang araw. Siguradong mahihirapan din ako sa pagkarga sa’yo,” ngumiti pa ito.
She liked it everytime he smiles, it was so cute and so gorgeous. And that smiling face made her smile without knowing. Kahit pilitin niya man ang sarili ay hindi niya magawang patigilin ang kasiyahang nararamdaman kapag kasama ito. “Hindi mo naman kailangang kargahin ako,” sagot niya.
Tumango-tango ito. “Magpahinga ka muna dito sa bahay ng ilang araw, bibilhan kita ng gamot para diyan.”
Ngumiti siya at tinitigan ito. Why was she like this? Bakit parang palagi niya na lang gustong matitigan at makasama ito?
He stared back at her and they remained like that for a while. Hanggang sa maya-maya ay narinig nila ang pagkulo ng sikmura nito. Hindi niya napigilan ang sarili sa pagtawa.
Nahihiya naman itong napakamot sa ulo. “Hindi kasi ako nakakain sa party kanina,” dahilan pa nito.
Patuloy lang siya sa pagtawa at itinaboy ito patungo sa kusina.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon