Chapter 29.5

2.8K 28 0
                                    

INAYOS ni Elij ang kumot na nakapulupot sa kanila ni Thaddeus habang nanonood sila ng paborito nitong palabas na SpongeBob. Nakaupo sila sa sahig, nasa likod niya ito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
Inabot niya ang plastic ng chips na nasa harap at binuksan iyon. Napatigil siya nang biglang may maalala. “Oh no,” sambit niya.
“Bakit?” tanong ni Thaddeus.
“Nakalimutan ko na may dinner nga pala sa bahay ni Mateo ngayon,” sabi niya. Alas-otso na ng gabi kaya siguradong nagsisimula na iyon.
Marahas na bumuntong-hininga si Thaddeus. “Hindi ka pa ba nakikipag-hiwalay sa kanya?” inis na tanong nito.
Isinandal niya ang likod sa katawan nito. “Hindi ko nagawa kanina, pero bukas gagawin ko na,” lumingon siya dito. “Promise.”
Tiningnan siya nito, may inis pa rin sa mga mata nito. “Be done with it. Gusto na kitang isama pabalik sa Manila.”
Ngumiti siya at tumango. “I love you,” bulong pa niya.
Kumalma naman ang mukha nito at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi niya. “I love you too.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora