Chapter 26.8

2.5K 25 0
                                    

NAG-INAT si Elij sa ibabaw ng kama nang magising siya isang umaga. Napatingin siya sa orasan na nasa bedside table at nakitang malapit na palang mag-tanghali. Napatagal na naman ang tulog niya.
Inilipat niya ang tingin kay Thaddeus na himbing pa rin sa pagkakatulog. Isang linggo na ang lumipas simula ng huli niyang makausap si Drake. Sinusubukan niyang tawagan si Anthony para kausapin ito pero hindi naman ito sumasagot.
Inabot niya ang cell phone na nasa bedside table at nagulat pa nang makitang may limang missed call doon mula sa ina niya. Bumaba siya ng kama at nagbihis bago lumabas ng kuwarto ni Thaddeus.
Pagkababa niya sa hagdan ay sinubukan niyang tawagan ang ina. Nang sumagot ito ay agad na sumalubong sa kanya ang nag-aalalang tono nito.
“Anak… anak, mabuti naman at tumawag ka,” tarantang wika nito.
Bumalot ang kaba sa puso niya ng mga oras na iyon. “Nay, may nangyari ba?”
“Anak, may dumating ditong mga lalaki kaninang umaga,” umiiyak na ito. “Hinahanap ka nila. Kinuha… kinuha nila si Sam, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” histerikal na ito.
Naitaklob niya ang isang kamay sa bibig. Alam niya kung sino ang posibleng gumawa noon. Pagkatapos pakalmahin ang ina ay tinawagan niya naman si Drake.
“Walang hiya ka, Drake, nasaan ang kapatid ko?” bungad niya nang sagutin nito ang tawag.
Tumawa lang ito ng nakakaloko.
“Parang awa mo na,” iyak niya. “Huwag mo siyang sasaktan. Walang silang kamalay-malay dito. Drake, please… please, huwag ang kapatid ko.”
“Sa tingin mo ba makukuha mo ng ganoon kadali ang lahat, Elij?” tanong nito. “Na puwede kang umayaw kung kailan mo gusto?”
“Drake, ibalik mo na si Sam,” garalgal na pagmamakaawa niya dito. “Ako na lang ang gantihan niyo.”
“Walang excitement kung ikaw ang pahihirapan namin, hindi ba? Mas magandang pahirapan ang mga taong nakapaligid sa’yo. Mas masakit iyon, tama?”
Umiling siya. “P-Parang awa mo na—”
“Pumunta ka ngayon dito, Elij,” putol nito at sinabi sa kanya ang lugar na kinaroroonan nito. “Dito natin ituloy ang drama mo.”
Nang ibaba nito ang tawag ay mabilis siyang kumilos at lumabas ng bahay. Hindi ganoon kalayo ang lugar na sinabi nito. Kailangan niyang mailigtas ang kapatid niya. Kasalanan niya ang lahat ng ito.
Tinawagan niya rin si Rachel Leigh at sinabi dito ang lahat. Alam niyang kung may taong makakatulong sa kanya ay ito iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang