Chapter 21.2

2.5K 37 0
                                    

“ACCORDING to my client’s statement,” panimula ni Thaddeus, nakaharap ito sa mga huradong naroroon. “Walang katotohanan ang mga paratang ng asawa niyang si Ricardo Domingo na pinagtataksilan niya ito,” tumingin ito sa kampo nina Ricardo. “All of their evidences are spurious. Mr. Domingo planned that scene in those photos. At tinatakot niya ang mga taong involved para hindi sila magsalita.”
“Objection, your honor,” wika ni Claudio.
“Denied,” sabi ng hurado. “Please continue,” ani naman nito kay Thaddeus.
Ilang ulit si Elij na napabuntong-hininga. Inabot niya ang kamay ni Mrs. Domingo na nasa tabi niya. Nararamdaman niya ang nerbiyos nito.
Nagpatuloy si Thaddeus. “Sinabi rin sa akin ng kliyente ko na sinasaktan siya ng asawa niya,” may iniabot itong folder sa mga hurado. “Naririto ang mga medico-legal na magpapatunay ng sinasabi ko. At isa pa, base sa salaysay ng aking kliyente, si Mr. Ricardo Domingo daw ang pumatay sa kapatid niyang si Jay Dela Cruz na nagtangkang magsumbong sa mga pulis ng pananakit ni Ricardo sa asawa nito.
“Kaya hinihingi ko ang pahintulot ng husgadong ito na muling buksan ang kaso ng pagkamatay ni Jay Dela Cruz. I can assure you, your honor, that ‘that’ case was a homicide disguised as suicide,” mariing dugtong ni Thaddeus. “Umaapela ako sa husgadong ito ng hindi lamang legal separation case kundi maging frustrated murder and physical injuries against Mr. Ricardo Domingo.”
Umugong ang malakas na bulungan sa loob ng korte. Pagtingin ni Elij sa kabilang kampo ay nakita niya pa ang pagtatalo ni Ricardo at ng abogado nitong si Claudio.
“Pag-aaralan namin ang apela mo, Attorney Arzadon,” sabi ng isa sa mga hurado. “Trial adjourned.”
Nagsimula ng magsi-alisan ang mga taong naroroon. Nasa pinto na sila nang marinig ang pagsigaw ni Ricardo. “Walang hiya ka, Lorna!” pagmumura nito sa asawa.
Hindi na nila pinansin ito at nagpatuloy na sa paglabas. Nang makarating sila sa lobby ay paulit-ulit na nagpasalamat kay Thaddeus si Mrs. Domingo bago ito tuluyang nagpaalam.
Nang sila na lang ang maiwan doon ay inabot niya si Thaddeus at niyakap ng mahigpit. “Ayos ka lang?” tanong niya dito.
Humugot ito ng malalim na hininga at bahagya siyang inilayo. Ngumiti ito. “Thank you… for being here.”
Ngumiti din siya. Magsasalita pa sana siya nang marinig ang boses na tumawag sa pangalan ni Thaddeus.
Nang mapatingin sila sa likod ay nagulat pa siya nang makita ang paglapit sa kanila ng ama nitong si Claudio. Hindi na nito kasama ang kliyente nito.
“Anong kailangan mo sa akin?” marahas na tanong dito ni Thaddeus. “Magmamakaawa ka?” ngumiti pa ito.
Ngumiti din si Claudio. “You are indeed very good, Thaddeus,” puri nito sa anak.
“Hindi dahil nakangiti ako ngayon ay hindi ko gustong suntukin ang pagmumukha mo,” sagot dito ni Thaddeus, nasa mga mata ang pinipigil na galit.
“Anak…”
“Anak?!” Thaddeus snapped. “Don’t you dare call me that way, Ramirez! Because I don’t consider you my father anymore!”
Napayuko si Claudio, nasa mukha nito ang matinding kalungkutan. “Pa-Patawarin mo ako, Thaddeus…”
“Patawarin? Ngayon ka pa lumapit sa akin para humingi ng tawad?” mapait na napahalakhak si Thaddeus. “Sinira mo ang lahat sa buhay ko. Ikaw… ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Mama,” tumulo na ang luha sa mga mata nito.
Gusto niya itong hilahin at ilayo sa lugar na iyon. Hindi niya ito gustong makitang umiiyak at nasasaktan.
“Kung hindi dahil sa’yo, hindi niya ako iniwanan,” pagpapatuloy ni Thaddeus sa naghihinagpis na tinig. “Ganito rin ang ginawa mo sa kanya, hindi ba? Ipinamukha mo sa lahat na siya ang nagtataksil sa’yo para lang mapabuti ang pangalan mo! Makasarili ka! Wala kang kuwentang asawa! Wala kang kuwentang ama! Sigurado ako na mangyayari rin sa mga anak mo ngayon ang nangyari sa akin. Dahil hindi ka na magbabago! Hinahanap mo lang ang kasiyahan mo, ang kagandahan ng buhay mo! Wala ka ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa’yo. Bagay kayong magsama niyang kliyente mo!” pagtatapos nito.
Hindi na nagawang makapagsalita ni Claudio nang hilahin na siya palayo ni Thaddeus.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now