Chapter 10.3

2.5K 34 0
                                    

“MAY gusto akong itanong sa’yo,” narinig ni Elij na wika ni Thaddeus nang makaupo sila sa living area ng bahay nito para manood ng palabas sa T.V. Kababalik lang nila galing sa trabaho nito.
“Ano?” baling niya dito.
“May karelasyon ka ba ngayon?”
Napatingin siya dito. Nakatutok naman ang pansin nito sa telebisyon. Bumuntong-hininga siya at itinuon din ang paningin sa harap. “Sa tingin mo ba may oras pa ako diyan sa dami ng kailangan kong intindihin?” ganting tanong niya.
“Pero siguro naman may mga naka-relasyon ka na noon?”
Ilang saglit siyang natahimik. “Wala pa,” pag-amin niya. Hindi niya naman dapat ikahiya na wala pa siyang nakaka-relasyon simula nang ipinanganak siya.
Narinig niya ang pagsinghap nito. “Talaga? You’re twenty-seven and you’re still a—”
“Stop right there, Thaddeus,” pagpapatigil niya dito. Alam niya na naman kung ano ang nasa isip nito. Sa mga panahong nakasama niya ito ay madali na para sa kanya ang basahin ang mga tumatakbo sa isipan nito. Dahil puro kalokohan lang naman ang mga iyon.
Tumawa ito. “Pero may mga nagugustuhan ka rin naman, hindi ba?”
“Oo naman,” sagot niya. “Hindi naman ako robot na walang pakiramdam.”
Tumango-tango ito. “Eh di, wala ka pa ring first kiss?” curious na tanong pa nito.
Napaka-curious talaga nito sa lahat ng bagay. Hindi dahil abogado ito ay ganoon na talaga ito. “Mayroon na,” tugon niya.
Napatingin ito sa kanya. “Mayroon na?” hindi makapaniwalang ulit nito. “Kanino?”
Bumaling siya dito. Nasimulan niya na rin namang mag-open dito, dapat lang na ituloy niya na. “Kay Matthew.”
Hindi nito naitago ang pagkagulat sa ipinagtapat niya. “S-Sa kaibigan kong si Matthew?” pagka-klaro nito.
Tumango siya.
“Bakit mo siya hinalikan?!” pasigaw na tanong nito.
“Huwag ka ngang sumigaw,” naiinis na utos niya. “It’s just a ‘thank you’ kiss, saka matagal na iyon. Nakalimutan ko na nga, pinaalala mo lang.”
Humalukipkip ito. “You can’t be with him, may iba na siyang gusto,” anito.
“Alam ko,” malamig na sagot niya. Tumayo siya, masama na ang mood niya ng mga oras na iyon. “Matutulog na ako, siguradong mapapagod na naman ako sa kasusunod sa’yo bukas.”
Nang hindi ito sumagot ay tumuloy na siya sa pag-alis. Hindi na naman siya nito pinigilan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now