Chapter 20.2

2.6K 32 0
                                    

“GUSTO niyo ba ng maiinom?” alok sa kanila ni Mrs. Lorna Domingo nang makapasok sila sa loob ng apartment na tinutuluyan nito sa Cavite.
“Hindi na po,” sagot ni Thaddeus. “Mag-isa lang ba kayo dito? Ang anak niyo?”
“Ipinahabilin ko muna sa kamag-anak ko,” sagot ng babae. “Ayokong madamay siya dito. Bata pa siya.”
Tumingin siya kay Thaddeus. Gusto niyang hawakan ang mga kamay nito para iparating na naririto siya sa tabi nito.
“Nakita niyo ba ang lalaking nasa larawan?” tanong pa ni Mrs. Domingo kay Thaddeus. Umaasa ang mga mata nito.
Tumango si Thaddeus. “Pero hindi siya umaamin na siya nga ang ginamit ng asawa niyo para sa larawang iyon. Siguro dahil natatakot rin siya para sa buhay niya. Your husband kept on threatening people because he has the money and the power.”
Yumuko si Mrs. Domingo. “Alam kong mahirap siyang kalaban. Ngayon pa na nakahanap na siya ng panibagong abogado na ipagtatanggol siya sa lahat ng kasamaan niya. Mga hayop sila!” napaiyak na ito ng tuluyan.
Lumapit siya sa babae at marahang hinagod ang likod nito.
“Kilala niyo ba ang abogado niya?” tanong ni Thaddeus.
Tumingin ang babae dito. “Hindi ko siya personal na kilala pero alam ko ang pangalan niya,” sandali itong huminto. “Claudio… Claudio Ramirez.”
Hindi niya naitago ang matinding pagkagulat sa sinabi nito. Pagtingin niya kay Thaddeus ay nakita niya ang panginginig nito sa galit. Marahas itong tumayo at lumakad palabas ng lugar na iyon.
Mabilis siyang kumilos at tumakbo para sundan ito. Nakita niya itong galit na galit na sinusuntok ang isang puno doon. Lumapit siya dito at sapilitan itong pinaharap sa kanya.
“Thaddeus,” niyakap niya ito ng mahigpit. Nararamdaman niya pa rin ang panginginig nito.
“Damn him! He did it again, Elij. That bastard!” he cursed and cursed. “Ganito rin ang ginawa niya sa Mama ko! Hayop siya! Wala siyang kuwenta!”
Napabagsak na sila sa lupa pero patuloy pa rin ito sa pagmumura. She cupped his now crying face. Bakit ganito? Bakit kailangang ang ama pa nitong iyon ang makakaharap nito sa korte sa kasong katulad na katulad ng nangyari sa mga magulang nito? Bakit? Ayaw niya itong makitang nasasaktan.
Muli niya itong niyakap ng mahigpit. Hindi niya na rin nagawang pigilin ang sariling emosyon at umiyak kasabay nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon