Chapter 29.3

2.8K 28 0
                                    

HINDI magawang intindihin ni Elij ang binabasang mga papeles dahil ang isipan niya ay na kay Thaddeus. Dalawang araw na simula ng payagan niya itong umalis dahil daw may nagmamadaling kliyenteng gusto itong makausap sa Maynila.
Gusto niya sanang sumama dito pero kailangan niya namang tapusin ang mga trabahong iniwan sa kanya ni Mateo na hanggang ngayon ay nasa Singapore pa rin. Ito na lang ang huli niyang magagawa para dito bago niya tuluyang putulin ang relasyon nila.
Plano niyang mag-resign na rin sa trabaho dahil iyon ang nais ni Thaddeus. Wala naman iyong problema dahil gusto niya na ring bumalik sa Manila at makasama ito.
Muli siyang napatingin sa cell phone na nasa mesa. Sa loob ng dalawang araw ay isang beses pa lang tumatawag sa kanya si Thaddeus. Nagsisimula na siyang makaramdam ng inis dahil gustong-gusto niya na itong makita.
Napabuntong-hininga siya at inabala ang sarili sa pagta-trabaho. Napatigil siya sa pagbabasa nang makita sa harapan si Mateo. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan dahil sa hindi inaasahang pagkakita dito. Hindi niya alam na ngayong araw pala ang balik nito.
“Nagulat ba kita?” manghang tanong nito.
Iniiwas niya ang tingin dito. Naiilang na siyang pakitunguhan ito ngayon. “Na-Nakabalik ka na pala,” iyon lang ang nasabi niya.
“May problema ba, Elij? Wala ka rin noon sa shareholder’s meeting. Sigurado bang wala kang sakit?”
“W-Wala,” humugot siya ng malalim na hininga. Ngayong naririto na ito, dapat lang na sabihin niya dito ang desisyon niyang makipag-hiwalay dito. Nag-isip siya ng magandang panimula pero parang nag-rambulan yata ang mga salita sa utak niya ngayon.
Napaangat siya ng tingin dito nang muli itong magsalita. “Tapos na ba ang mga reports na pinapa-summarize ko?”
Nalipat ang tingin niya sa mga folders na nasa mesa. “Ma-Malapit na,” tugon niya. “T-Tapos ko na siguro ito bukas.”
Tumango ito at ngumiti. “Salamat,” hahakbang na sana ito papasok sa opisina nito nang muling mapatingin sa kanya. “Siyanga pala, may dinner sa bahay namin mamaya. Gusto kong pumunta ka, gusto ka ring makita ng pamilya ko,” pagkasabi noon ay tumuloy na ito sa opisina nito.
Naiwan siya doong nakatulala. Dinner? Kasama ang pamilya nito? Hindi maaari. Kailangan niya ng putulin ang relasyon nila para hindi na ito umasa.
Humugot siya ng malalim na hininga at muling napabalik sa pagkakaupo. Naging mabait at maunawain sa kanya si Mateo pero kailangan niyang gawin ito. Kailangan niya itong saktan. Hindi naman kaila dito na hindi niya ito mahal, sana lang ay magawa nitong tanggapin ang pakikipag-hiwalay niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now