Chapter 22.6

2.5K 28 0
                                    

ALAS-DIYES na ng gabi nang makabalik si Elij sa bahay ni Thaddeus matapos niyang bisitahin ang pamilya niya sa Pasay. Pagkapasok nila sa loob ay kaagad na hinanap ng mga mata niya ito. Nakauwi na kaya ito?
Nang hindi niya ito makita sa living area ay tumuloy siya sa loob ng private bar. Ganoon na lang ang paglukso ng puso niya nang makita itong nakahiga sa couch na naroroon. Nakasuot pa rin ito ng business suit nito.
Lumapit siya dito. Mahimbing na itong natutulog doon. Napatingin siya sa mga lata ng beers na nasa mesang nasa harap nito. Napabuntong-hininga siya. Umiinom na naman ito para makatulog.
Muli siyang humarap dito. She crouched beside the couch and gently caressed his sleeping face. Mukhang pagod na pagod ito, saan kaya ito nanggaling kanina?
Nagitla siya nang makarinig ng pagtunog ng cell phone. Napatingin siya sa cell phone nitong nasa ibabaw ng mesa. Kinuha niya iyon at sinagot ang tumatawag dito.
“Hello?”
“I want to talk to my lawyer,” bungad ng boses ng isang babae sa kabilang linya.
Napasulyap siya kay Thaddeus. Hindi niya maaaring gisingin ito, paniguradong mahihirapan na naman ito sa pagtulog. “Pasensiya na po pero wala dito ngayon si Attorney Arzadon,” pagsisinungaling niya.
“Wala?” nasa tono ng babae ang pagtataka. “Sino ba ito?”
“Bodyguard niya po ito, tumawag na lang po kayo bukas,” pagtatapos niya sa usapan.
Ibinalik niya ang cell phone sa mesa at muling tumingin kay Thaddeus. Kailangan rin nito ng pahinga sa trabaho.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon