Chapter 26.6

2.7K 21 0
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Thaddeus ang mga mata nang maramdaman ang banayad na paghinga ni Elij sa tabi niya. Kanina pa siya gising at narinig niya ang lahat ng sinabi nito. Pinagmasdan niya ang natutulog na mukha nito.
Bakit? Bakit hindi na lang nito sabihin sa kanya ang lahat? Bakit hindi nito hingin ang tulong niya? Sino ba ang taong kailangan nitong bayaran?
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Kung usaping pera iyon, sigurado siyang hindi nito tatanggapin ang tulong niya. Kilala niya ito. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito at isinubsob ang mukha sa buhok nito.
Mahal na mahal niya ito at hindi niya ito gustong makitang nahihirapan. Please, sabihin mo na lang sa akin, sweetheart. Hindi naman ako magagalit sa’yo. Pero alam niyang hindi lang iyon ang dahilan kung bakit hindi ito makapag-salita tungkol sa pino-problema nito. Malamang ay may kinatatakutan ito. Pero sino? Mga kalaban niya bang abogado? Mga kliyenteng may galit sa kanya? Gusto niyang malaman kung sino para mapagbayad niya ang mga ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now