Chapter 13.2

2.4K 24 0
                                    

NAPATINGIN si Elij sa dalawang babaeng pumasok sa loob ng firm ni Thaddeus nang hapong iyon. Gumala pa ang paningin ng mga ito sa kabuuan ng firm. Sa tingin niya ay pawang teenagers pa ang mga ito.
Tumayo siya at lumapit sa mga ito. “May kailangan ba kayo?” tanong niya.
Tumingin ito sa kanya at nag-sikuhan pa kung sino ang dapat magsalita.
“G-Gusto lang namin makita ang firm na ito ni… ni Kuya Thaddeus,” sabi ng isa na sa tingin niya ay mas nakatatanda.
“Kuya Thaddeus?” ulit niya sa sinabi ng mga ito.
“Sabi kasi ni Papa, kapatid daw namin si Thaddeus Arzadon,” sabi naman ng isa. “Hindi pa nga lang namin siya nakikita ng personal.”
Nagulat siya sa sinabi ng mga ito. Ito ang mga kapatid na nabanggit sa kanya ni Thaddeus noon?!
“Nandito po ba siya?”
“May… May kausap siya sa opisina niya,” sagot niya. “Kayo nga pala sina?”
“Ako po si Myca, at siya naman si Anna,” pakilala ng nakatatandang si Myca.
Bumaling si Anna sa kapatid nito. “Sa tingin mo ba gusto tayong makita ni Kuya? Hindi ba sabi ni Papa galit daw siya sa atin? Kaya nga hindi sumama si Ate Jessica dito dahil hindi naman daw tayo papansinin ni Kuya.”
Nakaramdam siya ng lungkot at awa sa narinig na salita mula sa mga ito. Pero wala naman siyang masabing magandang bagay dahil hindi niya rin naman alam kung tatanggapin o ‘di kaya ay kakausapin man lang ni Thaddeus ang mga ito.
“Mabait po ba si Kuya Thaddeus?” baling sa kanya ni Anna.
Bahagya siyang natigilan sa tanong nito. “Ah… oo,” tumango-tango siya. “Oo, mabait siya pero… minsan masungit iyon kapag… kapag pagod.” Hindi niya talaga alam kung ano ang isasagot sa mga ito.
Lumabi si Anna. “Mukha naman siyang mabait sa mga pictures,” bumuntong-hininga ito. “Ano sa tingin mo, Ate?” muli itong bumaling sa kapatid. “Papayag kaya si Kuya na makitira tayo sa kanya?”
Makitira?
Nagkibit-balikat si Myca. “Ewan ko.”
“B-Bakit kayo makikitira sa kanya? May nangyari ba sa inyo?” singit niya sa usapan ng mga ito.
Humarap sa kanya si Myca. “Our parents fight like cats and dogs in our house. Palagi na lang ganoon ang eksenang nauuwian namin. Si Mama Ericka palagi na lang pinagsasalitaan ng kung anu-ano si Papa. Pero minsan may point din naman siya, para kasing may mga masasamang gawaing ginagawa talaga si Papa. Abogado pa naman siya,” napailing pa ito.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may isa pang babae na lumapit sa kanila at hinawakan ang dalawang batang kaharap niya.
“Ate Jessica,” banggit ni Anna sa pangalan ng bagong dating.
“Sinabi ko ng huwag kayong pupunta dito,” wika ng Jessica na iyon. Sa tingin niya ay nasa teen years pa rin nito ito, pero mature na ang klase ng pagsasalita nito. “Umuwi na tayo. Hindi rin niya kayo tatanggapin dahil galit siya kay Papa. Ibig sabihin, galit din siya sa atin,” iyon lang at hinila na nito palabas ang mga kapatid.
Nakasunod lang ang tingin niya sa mga ito. Naaawa siya sa mga magkakapatid na iyon. Ang babata pa ng mga ito pero nakakaranas na ng ganoong mga bagay sa pamilya. Parang si Thaddeus. Hindi niya alam pero maging siya ay unti-unti na ring nagagalit sa amang iyon ng mga ito. Wala na ba talaga itong pakialam sa kahihinatnan ng mga anak nito? Ganoon na ba ito ka-makasarili?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonKde žijí příběhy. Začni objevovat