Chapter 29.6

2.8K 33 0
                                    

ILANG ulit na bumuntong-hininga si Elij bago pumasok sa loob ng opisina ni Mateo kinabukasan. Agad itong nag-angat ng tingin nang makapasok siya.
Nakayuko siyang lumapit sa harapan ng mesa nito.
“Bakit wala ka kagabi?” tanong nito.
“I-I’m sorry, Mateo,” panimula niya. Iniabot niya dito ang kanina pang hawak na resignation letter.
Tiningnan nito iyon. Bumahid ang pagkagulat sa mukha nito. “Anong… ibig sabihin nito, Elij?”
Sinubukan niyang salubungin ang tingin nito. “Aalis na ako dito, Mateo. G-Gusto ko na ring makipag-hiwalay sa’yo,” buong tatag na wika niya.
“B-Bakit?” napatayo ito sa kinauupuan at lumapit sa kanya. “May nagawa ba ako?”
Marahan siyang umiling. “Ayokong saktan ka, Mateo. Pero… pero alam mo naman noon pa na hindi ko magagawang tugunin ang nararamdaman mo para sa akin, hindi ba? Sinabi ko sa’yo noon ‘yon. Sinabi ko noon na mahihirapan akong magpapasok ng iba sa puso ko dahil hindi ko pa rin magawang tanggalin ang nag-iisang lalaking may hawak noon.”
Mariin itong napapikit. “Alam ko, alam ko. Pero hindi ba sinabi kong gagawin ko ang lahat para mabago iyon?”
Inabot niya ang kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit. “Patawarin mo ako pero hindi na magbabago ang nararamdaman ko, Mateo. Hindi na,” tumulo na ang mga luha niya.
Nagmulat ito. “Bakit? Bakit hindi, Elij?”
“D-Dahil bumalik na siya. Bumalik na siya, Mateo.”
Naramdaman niya ang pagkatigil nito sa sinabi niya. “Bumalik na siya?” ulit nito. “Sino? Sino ba siya, Elij? Sino ang lalaking ito na hindi ko mapalitan sa puso mo?”
Binitiwan niya ang kamay nito. “Kilala mo siya, Mateo. Ikaw ang dahilan kaya muli kaming nagkita.”
Rumehistro ang matinding pagkagulat sa mukha nito. “S-Si… Thaddeus?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango siya. “I love him, I still do,” pag-amin niya dito. “I never stopped and I will never ever will. I’m so sorry. I’m really sorry,” napaiyak na siya ng tuluyan.
Inihilamos ni Mateo ang isang kamay sa mukha nito. Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila bago niya narinig ang pagbuntong-hininga nito. “Naiintindihan ko,” anito.
Napatingin siya dito, puno ng pasasalamat ang mga mata niya. Muli niyang hinawakan ang kamay nito. “Salamat, Mateo. Salamat.”
Ngumiti ito at bahagyang pinisil ang kamay niya. “Gusto kong maging masaya ka, Elij. At siya lang ang makagagawa niyon.”
Patuloy lang siya sa pag-iyak at pagsambit ng pasasalamat dito. Sana ay makakita rin ito ng taong makakapagpasaya at magmamahal dito. Mabuting tao ito kaya siguradong makakahanap din ito ng taong mas nanaisin itong makasama habang-buhay.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now