Chapter 18.1

2.4K 29 0
                                    

ILANG araw bago ang Pasko ay naging abala si Elij sa pagdi-disenyo ng bahay ni Thaddeus dahil iyon ang utos nito. Sinabi nitong ngayon lang daw madi-disenyuhan muli ang bahay na ito simula noong bata pa ito. Bumili pa nga ito ng kung anu-anong Christmas designs.
Kahit nakakapagod ay nag-e-enjoy naman siya dahil first time niyang mag-design ng ganito sa isang malaking bahay.
“Ayos na ba?” tanong niya kay Thaddeus habang inilalagay ang isang star sa tuktok ng napakalaking Christmas tree na binili nito.
Tumingin siya sa baba ng steel ladder na tinutungtungan niya. Si Thaddeus ang humahawak niyon. Tumingala ito at bahagyang lumayo para tingnan ang ginagawa niya. “Ayos na, ikabit mo na,” utos nito.
Tumango siya at ikinabit doon ang hawak na star. Pero hindi niya inaasahan ang bahagyang paggalaw ng hagdan na tinutungtungan niya. Napatili siya nang mawalan siya ng balanse at mahulog. Mabuti na lang at mabilis siyang nasalo ni Thaddeus. Nakita niya pa ang pagbagsak ng Christmas tree na ginawa nila.
“Ayos ka lang?” narinig niyang tanong nito.
Pagtingin niya dito ay nakita niyang nakangiti ito. Her heart thudded wildly in her chest as she stared at his handsome face.
“You fell…” he said. “For me,” then he grinned.
Nanlaki ang mga mata niya. Did she? Did she really fell… for him? No! No! Hindi puwede!
Sisiguraduhin mo lang, Elij, na hinding-hindi ka mahuhulog sa lalaking iyon, naalala niyang sabi ni Drake noon.
No! She needed to do something. She would never fall for him. Iyon ang mga bagay na patuloy niyang itinatatak sa isipan. Umiwas siya ng tingin dito. “Ibaba mo na ako,” utos niya.
Tumatawa itong sumunod. “Uulitin na naman natin ang pag-aayos niyan,” tukoy nito sa bumagsak na Christmas tree.
Hindi niya na ito nagawang sagutin. Her heart was still pounding crazily in her chest and she didn’t know how to make it stop.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now