Chapter 2.5

3.3K 62 0
                                    

NAPANGITI si Elij habang pinagmamasdan ang mga kapatid na masayang tumutulong sa pag-aayos sa bagong tirahan nila sa Pasay. Hindi naman iyon ganoon kalaki - may dalawang kuwarto, isang banyo, maliit na sala at kusina.
Inilipat niya ang tingin sa Nanay niyang nakaupo na sa bagong wheelchair nito na sinagot na rin ni Anthony. Nasa mukha rin nito ang kasiyahan sa bagong yugto ng buhay nila.
Lumapit sa kanya si Rachel Leigh na katulong niya sa pag-aayos ng mga gamit nila. "Paalis ka ba?" tanong nito nang mapansin na nakagayak siya paalis.
Tumingin siya dito at ngumiti. "Pasensiya ka na, Rachel. Puwede bang maiwan ka muna dito sandali? Mag-a-apply lang ako ng trabaho."
"Trabaho?" tiningnan nito ang suot na relo. "Sa ganitong oras? Alas-singko na ng hapon, ah?"
Tumango siya. "Mag-a-apply ako ng trabaho kay Thaddeus Arzadon. Siguro naman nakauwi na siya ng ganitong oras," sagot niya.
Bahagyang natigilan si Rachel Leigh sa sinabi niya. "Arzadon?" tumango-tango ito. "Ano namang trabaho?"
Inilugay niya ang mahabang buhok at sinuklay iyon ng mga daliri. "Siguro naman kailangan niya ng assistant o kahit na ano. Magbabaka-sakali lang ako. Iyon lang ang paraan para makalapit ako sa kanya."
Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng mga gamit.
"Ikaw? May plano ka na ba para masubaybayan si Christopher?" tanong niya pa. Alam niya na ito ang inutusan ni Anthony na subaybayan si Christopher Samaniego. Si Rachel Leigh lang ang pinaka-pinagkakatiwalaan ni Anthony ng mga mahahalagang bagay. Dahil ito at si Drake ang pinaka-matagal na miyembro ng grupo at dahil na rin wala namang pakialam si Rachel sa anumang gawin ni Anthony. Sumusunod lang din ito sa utos katulad niya.
Sumulyap lang sa kanya si Rachel at nagkibit-balikat. Kahit matagal niya na itong kakilala ay nahihirapan pa rin siyang alamin ang tunay na iniisip at nararamdaman nito. Maybe because Rachel tend to keep everything to herself.
Tumango siya at nagpaalam na sa mga ito. Pagkalabas niya ng apartment ay nag-commute na siya patungo sa Makati kung saan naroroon ang permanent residence ni Thaddeus.
Pagkarating sa eksaktong address ay napahanga pa siya sa laki ng bahay nito doon. There was a steel gate and she could see the huge house made of granite stones.
Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakatayo lamang at nakanganga sa harap ng bahay na iyon hanggang sa marinig niya ang pagbusina ng isang sasakyan. Napatingin siya sa likod at nakita ang isang black Subaru. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Thaddeus Arzadon na bumaba mula sa sasakyang iyon. Nakasuot ito ng itim na polo na ang manggas ay nakatupi hanggang siko.
Lumapit ito sa kanya at ngumiti. Hindi niya napigilan ang sariling titigan ang guwapo nitong mukhang nakangiti sa kanya. Aaminin niya sa sariling ito na yata ang pinaka-guwapong nilalang na nakaharap niya sa buong buhay niya. Those deep dimples on his both cheeks made him look younger despite his age of twenty-nine. And those smiling eyes were just astonishing.
"You can kiss me if you want," narinig niyang wika nito.
Bigla siyang natauhan dahil doon, hindi niya rin napigilan ang pamumula ng mukha. Bakit ba niya hinahayaang ma-engkanto siya ng kaguwapuhan nito?
Humakbang pa itong palapit sa kanya, naaamoy niya na ang mabango at lalaking-lalaking amoy nito. Tinitigan siya nito ng mabuti. "It's been a while, hindi ko akalaing ikaw pa ang magpapakita dito sa bahay ko," itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang buhok niya. "Beautiful. Exactly my type."
Tinabig niya ang kamay nito at humakbang paatras. "Anong ginagawa mo? Hindi ako narito para sa ganyang mga bagay, Arzadon," buong tatag na wika niya. Talaga palang totoong walang pinalalampas na babae ang isang ito. Kung noon ay masyado siyang nadala sa ka-guwapuhan nito, iba na ngayon. Hindi siya maaaring magpatangay dito.
He grinned. Oh, he was so handsome! "You know me?" tumango-tango ito. "Sino nga bang hindi makakakilala sa guwapong katulad ko?" hinaplos pa nito ang sariling mukha.
Napailing na lang siya sa kayabangan nito.
Tumikhim ito. "Anong ginagawa mo dito? If you're not going to sleep with me for the night then what do you want?" patuloy na panunudyo nito.
Tiningnan niya ito ng masama. Abogado ba talaga ito? Bakit parang ang tanging laman ng isipan nito ay kung sino ang mga maika-kama nito?
Napailing ito habang nakatitig sa kanya. "You really are so beautiful. I can't believe na nagawa kitang patakasin ng dalawang beses sa Cebu noon."
Kumunot ang noo niya. "Dalawang beses?"
Tumango ito. "Yep. Ang una ay noong muntik na kitang mabangga. May hinahabol ka 'ata noon. Tapos ang sumunod ay noong party ni Vincent sa Hacienda Fabella. Ano nga palang ginagawa mo sa party na iyon? At bakit bigla mo na lang akong iniwanan at tinakbuhan? Hindi naman ako mukhang zombie, ah?"
Napabuntong-hininga siya sa dami ng nasabi nito. Hindi niya alam na ganito ito kadaldal. Sadya bang ganito ang mga abogado? Walang preno ang bibig?
"Hindi na mahalaga iyon," dagdag pa nito.
Gusto niyang matawa sa bilis nitong mag-desisyon. Pero nagpapasalamat na rin siya na hindi na ito nagpumilit ng sagot.
"Ang mahalaga nakita na kita ulit," ngumiti ito. "At gusto kong malaman ang pangalan mo at kung bakit ka naririto?"
Tumingin siya dito. "Ako si Elij. Elij Zuriaga," bahagya pa siyang nag-alinlangan bago nagpatuloy. "Naririto ako para... mag-apply sana ng trabaho."
Kumunot ang noo nito. "Trabaho? Gusto mong mag-trabaho sa firm ko?"
Umiling siya. "Kung... kung nangangailangan ka ng assistant, puwede ako, or personal bodyguard na rin. Tapos ako ng education pero may mga alam naman ako sa mga ginagawa ng isang assistant. Willing naman akong matuto ng mga bagay tungkol sa firm mo. Marunong din ako sa pag-hawak ng baril at mga self-defense dahil nag-aral ako noon para sa sarili ko," mahabang sabi niya. Ipinagdarasal niya na sana ay tanggapin siya nito. "Puwede kong ipakita sa'yo ang mga kakayahang ko minsan."
Ilang sandali itong napaisip. "Sa totoo, hindi ko naman talaga kailangan ng assistant or personal bodyguard. Mas sanay akong mag-trabaho ng mag-isa lang," sabi nito.
Hindi niya nagawang makapagsalita, nakaramdam siya ng panghihinayang ng mga oras na iyon. "Ganoon ba?" tumango-tango siya.
"Bakit hindi ka na lang magturo? Tapos ka naman ng education?" tanong pa nito.
"Hindi naman ako nakapag-take ng licensure exam at saka hindi ganoon kalaki ang kikitain ko doon. Marami akong kailangang suportahan."
Napabuntong-hininga ito. "Alam mo kung gaano ka-mapanganib ang trabaho ko, hindi ba? Tapos gusto mong maging assistant ko at sumunod ng sumunod sa akin? Are you willing to put your head in the lion's mouth?"
Tumango siya. "I am, in order to earn quick buck," ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala, sanay na ako sa mga panganib ng mundong ito."
Tinitigan siya nito ng ilang saglit. "Thirty thousand per month, ayos na ba sa'yo 'yon?"
Nanlaki ang mga mata niya. "T-T-Thirty thousand?" hindi makapaniwalang ulit niya.
Tumango ito. "Kulang pa ba?"
Mabilis siyang napailing. "N-No... s-sadya bang ganyan kalaki ang pinasu-suweldo mo sa mga assistants mo?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa laki ng halagang ibabayad nito kapalit lamang ng pagbabantay niya dito.
"Ikaw ang unang magiging assistant ko. Ayoko kasing palaging may nakasunod sa akin. Pero kung babaeng kasing ganda mo, walang problema iyon," pilyo pa itong ngumiti. "Ginagawa ko ito dahil ipinangako ko sa sariling gagawin ko ang lahat para makita ka. And this is a very good opportunity to be with a goddess like you."
Iniiwas niya ang tingin dito. Ano bang pinagsasasabi nito? Baka lumaki na ang ulo niya sa mga pamumuri nito. "So, puwede na akong mag-trabaho sa'yo?" paniniguro niya.
Tumango ito. "Basta ba sisiguraduhin mong susundin mo ako. At tulad ng sinabi mo, maaari mong ipakita sa akin ang mga kakayanan mo sa self-defense. Para masigurado kong kaya mo ngang sumuong sa panganib ng trabaho ko."
Tumango siya.
"Pero siyempre, may isa akong kondisyon," hirit pa nito.
Hinintay niya itong magpatuloy.
"Gusto kong dito ka rin tumira sa bahay ko," anito.
Bumahid ang pagkagulat sa mukha niya. "Ano?!" Titira siya sa pamamahay nito? "Pero kailangan ko ring intindihin ang-"
"Akala ko ba susundin mo ako? Hindi ba ganoon ang mga assistant? Laging nakabuntot sa mga amo nila?" putol nito sa sinasabi niya. "Hindi naman puwedeng iwan-iwanan mo lang ako, hindi ba? Para saan pa at binabayaran kita?"
Napayuko siya. May punto ito. Pero paano naman ang pamilya niya? Siguro kailangan niya munang mag-hire ng pansamantalang makakasama ng pamilya niya at makakatulong ng mga ito. Tutal malaki naman ang kikitain niya. At saka, maganda na rin ang makitira siya sa bahay nito dahil mas mapapadali ang pagkuha niya ng mga impormasyong kailangan ni Anthony sa ganoong paraan.
"Ayaw mo ba?" narinig niyang tanong nito.
Mabilis siyang napatingin dito at napailing. "H-Hindi naman... pero puwede ko namang dalawin ang pamilya ko minsan, hindi ba? Nasa Pasay lang naman sila."
Ngumiti ito. "Hindi ko naman sinabing hindi puwede, ah?" huminto ito ng ilang sandali. "Kailan mo gustong magsimula?"
Napaisip siya. "Puwede bang sa susunod na linggo? Kailangan ko pa kasing ayusin ang mga gamit namin sa bahay. Kalilipat pa lang namin," sagot niya.
"Walang problema," lumapit ito sa kanya. "It's nice meeting you at last, Elij," his voice had gone serious and husky.
Napatingala siya dito. His nearness, his scent, his heat and the way he uttered her name made her stunned for a while. Inilahad niya ang isang kamay dito. "Same here," wika niya.
Tiningnan nito ang kamay niya pero hindi iyon tinanggap. "I don't do handshakes kapag may bago akong kakilalang magandang babae," ibinalik nito ang tingin sa mukha niya. "I prefer kissing."
Nanlaki ang mga mata niya at humakbang palayo dito. "Not with me, Thaddeus," aniya.
Tumawa ito. "Alam mo ba na ayon sa mga medical experts sa Virginia, mas makakakuha ka daw ng cold virus kapag nakipag-kamay ka kaysa nakikipag-halikan," he licked her lips. "Gusto mo pa bang magka-sakit? Come on, isang halik lang naman," akmang lalapit pa ito pero agad niya itong naitulak palayo.
Inis na inis siyang tumingin dito. "Wala akong pakialam sa mga sinasabi ng mga ekspertong iyan," bumuntong-hininga siya para kalmahin ang sarili. "Magkita na po lang tayo sa susunod na linggo, Sir," iyon lang at tinalikuran niya na ito.
Puno pa rin ng inis ang buong puso niya habang naglalakad palayo, nadagdagan pa iyon nang marinig ang malakas na pagtawa nito. Manyakis din pala ang abogadong iyon! Ano na lang ang mangyayari sa buhay niya kapag nakasama ito?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now