Chapter 14.2

2.4K 30 2
                                    

NAIINIS na tiningnan ni Elij si Thaddeus na sumisipol pa habang nagmamaneho. Pauwi na sila ng mga oras na iyon. Nagagawa pa nitong sumipol na para bang wala itong kasalanang ginawa sa kanya.
“Bilisan mo nga,” utos niya dito. “Para tayong pagong diyan sa pagpapatakbo mo. Naunahan pa tayo noong bisikleta.”
“Ayoko nga,” sagot pa nito. “Kapag binilisan ko ang pagpapatakbo, mabilis din tayong makakarating sa ospital o ‘di kaya ay diretso impiyerno na,” tumawa pa ito.
Pinanlisikan niya ito ng mga mata. Talaga namang hindi mauubusan ng isasagot ang maniyak na lalaking ito. Inilipat niya na lang ang tingin sa bintana at pinagmasdan ang mga building na nadadaanan nila.
“Well, hindi pa rin ako makakapunta sa impiyerno,” dugtong pa nito. “May restraining order pa doon sa akin si Lucifer,” muli na naman itong tumawa sa mga kalokohan nitong ito lang naman ang natutuwa.
Hindi niya ito pinansin. Kausapin nito ang sarili nito.
“Siyanga pala, kilala mo si Christopher, hindi ba? ‘Yong kaibigan ko?”
Sumulyap siya dito. Anong mayroon ngayon sa Christopher na iyon?
“Ikinasal na siya,” imporma nito. “Hindi ko alam na magde-desisyon iyon ng ganoon. Mas babaero pa iyon sa akin, kabi-kabila ang mga babae noon.”
Nanlaki ang mga mata niya. “Ikinasal?!” Tama ba ang narinig niya mula dito? Ikinasal na si Christopher Samaniego?!
“Oo, doon sa Rachel Leigh na iyon.”
Mas lalong nadagdagan ang pagkagulat niya. “Kay Rachel Leigh?! P-Pero… K-Kailan pa… P-Paanong… b-bakit hindi ko—” Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong, naguguluhan siya. Rachel got married… to this Christopher?!
Thaddeus shot a quick look on her before he turned his gaze back on the road. “Kilala mo siya? Si Rachel Leigh?” nagtatakang tanong nito.
“Ah… oo, k-kaibigan ko siya,” sagot niya.
“Bakit ngayon ko lang nalaman?”
“Ngayon mo lang naman itinanong, ah?”
Ngumiti ito.
“Kailan pa sila ikinasal?” tanong pa niya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa balitang iyon.
“Noong isang linggo lang,” sagot nito. “It was just a civil wedding. Ako lang ang naroroon para tumayong lawyer at witness ni Christopher. Hindi ba nabanggit sa’yo ng kaibigan mo?”
Umiling siya. “Hindi.” Nakaramdam siya ng lungkot dahil hindi man lang iyon nabanggit sa kanya ni Rachel. Pero alam niya namang sadyang ganoon ito. Tatawagan niya na lang ito mamaya para magtanong kung anong nangyari at nag-desisyon ito ng ganoon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن