Chapter 7.2

2.5K 36 0
                                    

MABILIS na napatayo si Elij nang makita ang doktor na tumingin sa kapatid na si Sam nang isugod ito sa E.R. ng Azcarraga Hospital. Sa pagkakatanda niya ay ito si Dr. Matthew Azcarraga na nabanggit sa kanya ng nurse na kumuha ng impormasyon ng kapatid kanina.
“D-Doc… kumusta na po ang kapatid ko?” puno ng pag-aalalang tanong niya dito.
Ngumiti ito. “Ayos na naman siya. Alam mo ba na may sakit sa puso ang kapatid mo?”
Tumango siya at pinunasan ang mga luha.
“You know, it’s better if he stays in the hospital for a while. Hindi natin alam kung kailan uli aatake ang sakit niya, kailangan niyang mapagtuunan ng pansin. He’s only a child,” sabi nito.
Yumuko siya. “A-Alam ko po ‘yon,” muli na naman siyang napahikbi sa pagkaawa sa kapatid. “Kahit gustuhin ko man pong panatilihin siya sa ospital, kailangan pa rin niyang ilabas ng ilabas dahil hindi ko kayang bayaran ang lahat ng gastusin. Hindi ko na po alam ang gagawin ko, halos lahat nagawa ko na. Gusto ko na siyang maipagamot ng tuluyan, ayoko na siyang makitang nahihirapan,” napahagulhol na siya sa harapan nito.
Marahan nitong tinapik ang balikat niya. “Pag-aaralan ko ang mga test results niya, titingnan ko kung kakailanganin ng operasyon. Cheer up, lady, hindi magandang makita ng kapatid mo na nahihirapan ka rin. Ikaw lang ang magiging lakas niya.”
Tumingin siya dito, patuloy pa rin sa pagluha.
Muli itong ngumiti. “Don’t worry, I’ll handle all the expenses for his stay here. At sa mga gagawin naming tests sa kanya, I’ll give your brother the best care this hospital could offer. Hindi naman ako makakapayag na hayaan lang lumabas ng ospital ko ang kapatid mo dahil lang sa wala kayong pambayad.”
Hindi niya magawang paniwalaan ang sinabi nito at hindi niya rin magawang ipaliwanag ang sayang bumalot sa puso niya. Inabot niya ang mga kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit. “Maraming-maraming salamat po,” umiiyak na pasasalamat niya sa butihing doktor na ito. “Kapag naka-ipon ako, babayaran ko kayo sa lahat ng kabutihan niyo.”
“It’s okay, huwag kang mag-alala. You can visit him anytime; you can also do your work. Maaasahan mo ang mga nurses dito,” paniniguro nito sa kanya. “Hindi namin pababayaan ang kapatid mo. So stop crying and see your brother.”
Muli siyang tumingin dito, puno ng pasasalamat ang mga mata. “Hindi ko alam na may tao pang katulad niyo dito sa mundo. Salamat.”
Nakita niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatitig sa mukha niya. “You’re Thaddeus’ bodyguard, right?” tanong nito. “Uhh… Elij?”
“P-Paano niyo nalaman?” nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ito. “I’m one of his friends, Matthew Azcarraga. Nai-kuwento ka niya sa amin at ilang beses na rin kitang nakikitang kasama niya. I can see you can’t remember me.”
Napaisip siya at napailing. “I’m sorry.” Hindi sa hindi niya ito naaalala. Kilala niya ang pangalan nito dahil isa ito sa mga ‘breakers’ na tinutukoy ni Anthony, ngayon niya nga lang ito nakaharap. Nakaramdam siya ng lungkot sa kaalamang isa ito sa mga kinamumuhian ni Anthony. Ngayon niya mas gustong malaman kung ano ang ginawa ng mga mababait na taong ito na tumutulong sa kanya para kamuhian ito ng lubos ni Anthony. Siguro dahil nga sa miyembro ang mga ito ng society na itinatag ni Christopher. Si Christopher lang naman ang tunay na kinagagalitan ni Anthony, nadamay lang ang mga ito.
“It’s okay,” narinig niyang wika nito. “I need to go now, may titingnan pa akong ibang pasyente. Nice to see you again. Cheer up, okay?”
Tumango siya at muling nagpasalamat dito. Sinundan niya lang ito ng tingin hanggang sa makalayo ito. Napangiti siya. Kung may lalaki mang nais siyang makasama habang-buhay, nais niyang ang lalaking katulad nito iyon. Kung maaari nga lang na makausap niya pa ito ng ilang saglit.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now