Chapter 30.3

2.9K 25 0
                                    

NAPATIGIL si Elij sa paglabas ng bahay nang makasalubong niya ang isang pamilyar na mukha sa gate. Agad niya itong nakilala. Ito si Lorna – ang dating asawa ng Ricardo na iyon na may kagagawan ng lahat ng kasamaang ito.
“N-Narinig kong naka-nakatakas si Ricardo,” panimula nito sa garalgal na tinig. “Hindi matahimik ang kalooban ko kaya nagpunta ako dito. May ginawa ba siya sa inyong masama?”
Isinalaysay niya dito sa pinaka-mabilis na paraan ang lahat ng ginawa ng dating asawa nito. Tuluyan na itong napahagulhol sa harapan niya. Lumuhod pa ito para humingi ng tawad.
Mabilis niya itong hinawakan at itinayo. “Wala kang kasalanan dito,” aniya. “Natawagan ko na ang mga pulis. Kailangan ko ng pumunta sa kinaroroonan nila. Kailangang masiguro kong ligtas si Thaddeus.”
Tinuyo ng babae ang mga luha. “S-Sasama ako sa’yo,” ani pa nito.
Gulat siyang napatingin dito. “Pero—”
“Parang awa mo na,” putol nito sa kanya. “Ayokong tumayo na lang at walang ginagawa habang pinapahirapan ng dati kong asawa ang mga taong tumulong sa akin.”
Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ito. Hindi niya gustong mag-aksaya pa ng oras at ipahamak pang lalo ang buhay ni Thaddeus at ng pamilya nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now