Chapter 3.2

3.2K 58 1
                                    

ISANG katulong ang nagbukas kay Elij ng gate ng bahay ni Thaddeus nang hapong iyon. Nagpakilala ito bilang si Manang Luisa. Sinabi nitong nasa trabaho pa daw si Thaddeus at maya-maya pa ang dating.
Sinamahan siya nito papasok sa loob ng malaking bahay at hinayaan siyang maglibot-libot muna dahil mayroon pa daw itong nilalabhan.
Ipinatong niya ang hawak na traveling bag sa sofa na naroroon at iginala ang paningin sa buong kabahayan. Kung humanga na siya noon sa labas ay mas lalo pa siyang napahanga sa kagandahan ng loob niyon.
The house was indeed marvelous, the walls and floor were made of stone textures and marbles. Sigurado siyang hindi basta-bastang marmol ang mga iyon. Habang naglalakad ay pakiramdam niya’y nasa loob siya ng isang high class na hotel sa ibang bansa.
The house was two-storey with staircase that shows grandeur and luxury. Malawak ang living area doon na dalawang beses ang laki sa apartment nila ngayon. May tatlong L-shaped sofas doon na kulay itim – it looked comfortable and relaxing. Isang malaking flat-screen T.V. ang nasa unahan niyon.
Lumakad siya patungo sa dining area na karugtong ng granite kitchen na naroroon. There was a glass dining table that could fit six people. Maliliit ang mga appliances sa kusina – it created a sense of more space there. Mayroon ding isang flat-screen T.V. sa kusinang iyon.
Napailing siya. Ilang telebisyon ba ang naririto sa bahay na ito? Samantalang sa kanila ay wala kahit isa. Plano niya ngang bumili ng kahit mumurahin lang para sa mga kapatid.
Nagulat siya nang marinig na magsalita si Manang Luisa sa likod niya. “Nagugutom ka na ba, ineng?” tanong nito.
Napalingon siya dito at napailing. “Hindi naman po,” sagot niya.
Ngumiti ito. “Doon ka sa labas para naman hindi ka mabagot dito. Halika,” yaya nito at nauna ng maglakad.
Sumunod lang siya dito hanggang sa makarating sila sa isang malaking pool area na naroroon. Malaki ang swimming pool doon na katulad ng ginagamit sa mga swimming races. Sariwa ang hangin na dulot ng mga punong nakapalibot sa lugar na iyon. Siguradong makakalimot ang isang tao na nasa siyudad siya kapag napunta sa lugar na ito.
Napabuntong-hininga siya. Magkano kaya ang kinikita ng lalaking iyon sa isang taon kung ganito kaganda at kalaki ang bahay nito? Idagdag pa na parang balewala lang ang thirty thousand na pa-suweldo sa kanya kada buwan.
“Ikaw siguro ang ikinu-kuwento sa akin ni Thaddeus na bodyguard na kinuha niya,” wika ni Manang Luisa sa tabi niya.
Napatingin siya dito. Sa tingin niya ay nasa late-forties na nito ang babae. “Matagal na po ba kayong nagta-trabaho dito?” naisipan niyang itanong.
Napabuntong-hininga ito. “Bata pa lang si Thaddeus ay ako na ang katulong sa tahanan nila. Pero ngayon ay dalawang beses na lang sa isang linggo kung tumungo ako dito sa bahay niya para ipaglinis siya, ipaglaba at ipagluto na rin. Simula kasi ng namatay ang Mama Janine nitong si Thaddeus ay mas minabuti na niyang mag-isa na lang.”
Nagulat siya sa kaalamang patay na ang ina ni Thaddeus. Hindi niya alam iyon. “Nasaan na po ang ama niya?” tanong pa niya.
“Si Sir Claudio?” nagkibit-balikat ito. “Hindi ko alam. Labing-limang taon na ang lumipas simula ng namatay si Ma’am Janine at simula din noon ay hindi ko na nakita si Sir Claudio. Hindi ko na rin naman inungkat kay Thaddeus ang tungkol doon dahil alam kong pribadong buhay na niya iyon.”
Tumango na lang siya.
“Mabait na bata iyang si Thaddeus kahit na medyo may kadaldalan siya,” napangiti ito at napailing. “Bata pa lang iyan ay napakarami niya ng nasasabi kahit lalaki siya. Pero siya rin ang nagbibigay ng kasiyahan sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lahat ay masaya basta lang mapatabi sa batang iyon.
“Nagbago lang siya nang mamatay ang Mama niya,” dugtong nito. “Naging tahimik siya at malayo sa tao. Pero laking tuwa ko ng muli ko siyang makita at inalok akong muling mag-trabaho sa kanya. Iyon ay noong magsimula siyang maging abogado, simula noon ay bumalik na rin ang dating pag-uugali niya.”
Napatingin siya sa pool na nasa harap. Hindi niya alam na may mga ganoong bagay din palang pinagdaanan ang lalaking iyon. Akala niya kasi ay puro kalokohan lang ang alam nito.
Napatingin sila sa likod nang marinig ang pagtikhim mula doon. Nakita nilang nakatayo doon si Thaddeus, nakasuot pa rin ito ng itim na business suit.
Hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga sa kaguwapuhang taglay nito.
“Thaddeus,” bati dito ni Manang Luisa. “Mabuti at nakauwi ka na. Kanina pang naghihintay dito itong bodyguard mo, paalis na rin ako. Naipagluto na kita ng hapunan. Kumain na kayo.”
Tumingin dito si Thaddeus at ngumiti. “Thank you, Manang Luisa,” wika nito.
Nagpaalam na sa kanila si Manang Luisa at naiwan na silang dalawa doon, may kadiliman na ang paligid. Lumapit ito sa kanya. Gusto niyang umatras pero ayaw namang sumunod ng katawan niya. Bakit ba palagi na lang siyang nagkakaganito sa harap nito? Pakiramdam niya ay nanghihina siya.
“Let’s eat,” yaya nito at walang paalam na hinawakan ang kamay niya at hinila siya papasok. Dumiretso sila sa kusina at pinaupo siya nito sa isang silya katabi nito.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumabay dito sa pagkain. Masarap naman ang luto ni Manang Luisa kaya nag-enjoy din siya, pero mas lalo siyang nag-enjoy sa panonood kay Thaddeus na kumain. Para itong isang taong ilang taon ng hindi nakakakain.
Kanina pa siya tapos sa pagkain pero hindi pa rin ito tapos at pangatlong bulos na nito iyon! Mangha lang siyang nakatingin dito. Paanong name-maintain pa rin nito ang ganoong katawan sa takaw nitong kumain? Ito na ang umubos ng pang-ulam na niluto ni Manang Luisa. Gaano kaya karami ang trabahong ginagawa nito sa buong araw para magutom ng ganito?
Nang matapos ito, sa wakas, ay sumandal ito sa upuan at nakangiting tumingin sa kanya. “Iba talagang magluto si Manang Luisa,” napailing pa ito. “Sayang naman kung hindi uubusin, hindi ba?”
Nangingiti siyang napailing sa mga palusot nito. “Hindi ko alam na ganyan katakaw ang mga lawyer,” aniya.
Nagkibit-balikat ito. “Masyado kasi akong maraming ginawa sa firm,” sabi pa nito.
Tumango-tango na lang siya. Simula ngayon ay kailangan niya na itong sundan sa kahit saang lugar ito pumunta. Kaya kailangang ihanda niya na ang sarili para mabantayan ito.
Napatingin siya dito nang tumayo ito. Magliligpit na sana siya ng pinagkainan nang pigilan siya nito.
“Mamaya na iyan,” sabi nito. “Ipapakita ko na sa’yo ang magiging kuwarto mo dito. Nasaan nga pala ang mga gamit mo?”
“Nasa living area,” tugon niya at lumakad patungo sa living area. Kinuha niya ang traveling bag na nasa sofa. Paglingon niya kay Thaddeus ay nakita niya pang nakakunot ang noo nito.
“Iyan lang ang dala mo?” nagtatakang tanong nito.
Tumango siya. “Kaunti lang naman talaga ang mga damit ko.”
Napangiti ito at napailing. “Kakaiba ka talaga sa mga babaeng kilala ko. Sila magbabakasyon lang ng ilang araw sa resort, buong mall na yata ang dala,” tumawa pa ito.
Napailing na lang siya. Ang ibang mga babae iyon. Ayos na sa kanya ang may maayos na damit kahit kaunti lang at hindi rin naman siya sanay mag-ayos kaya hindi talaga ganoon karami ang mga gamit na pag-aari niya. Hindi niya sinanay ang sarili na mag-imbok ng mga materyal na bagay na alam niya namang mawawala rin sa bandang huli.
Lumapit ito sa kanya at may kinuha sa suot na suit. Iniabot nito sa kanya ang isang papel. Pero hindi iyon basta-basta papel lang – isa iyong tseke!
Ngumiti ito. “Paunang bayad mo,” sabi nito. “Noong isang linggo ko pa ‘yan inihanda. Mag-open ka na rin ng account sa bangko para doon ko na lang ide-deposit ang suweldo mo. Saka kung gusto mo, maaari ka ring bumili ng mga bagong damit para naman marami kang magagamit dito.”
Nag-aalangan niyang kinuha ang tseke dito. “Salamat,” wika niya. “Pero hindi ko na kailangang bumili ng mga bagong damit. Sapat na sa akin ang dala ko. Maraming mas importanteng bagay ang dapat kong paggamitan ng pera, so I really need to watch every penny before I spend it.”
Napahaplos ito sa sariling baba. “Mukhang napakarami mo talagang pinagkakagastusan, ah?”
Napabuntong-hininga siya. “Sobra,” tugon niya. “Simula ng maparalisa ang ina ko ay ako na ang bumubuhay sa aming lahat. May sakit pa sa puso ang isa kong kapatid kaya kailangan ko talagang magsigasig sa trabaho at makapag-ipon.”
Nang tumingin siya dito ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. Bahagya pa siyang nailang sa titig na iyon kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
“Nasaan ang ama mo?” tanong nito.
“Patay na siya. Matagal na,” sagot niya.
Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito. “Halika na, umakyat na tayo sa itaas para makita mo na ang kuwarto mo,” pagyaya ulit nito.
Tumingin siya dito at tumango. Kinuha nito sa kanya ang hawak na traveling bag at nauna ng umakyat paitaas. Nakasunod lang siya dito.
Tumigil ito sa tapat ng isang pinto doon. “This is going to be your room,” ngumiti ito at tumingin sa katabing kuwarto niyon. “That’s my room.”
Nanlaki ang mga mata niya. Magkatabi sila ng kuwarto? “Puwede naman ako sa servants—”
“I want you in this room,” mariing putol nito sa kanya. “These are two connecting bedrooms kaya kung gusto mo akong makita bago ka matulog, madali ka lang makakapasok sa kuwarto ko,” tumawa pa ito.
Naiinis niya itong tiningnan. Connecting bedrooms? Pinagloloko ba talaga siya ng lalaking ito? At anong pinagsasasabi nitong gusto niya itong makita bago matulog? Batukan niya kaya ito para matauhan?
“Ewan ko sa’yo,” naiinis niyang hinanggit dito ang traveling bag at pumasok sa loob ng kuwarto. Naririnig pa niya ang pagtawa nito sa labas.
Napabuntong-hininga siya at napasulyap sa connecting door ng mga kuwarto nila. Balak ba nitong bulabugin siya tuwing gabi kaya dito siya nito pinapatulog? Nakakainis talaga ang lalaking iyon!
Napawi naman ang inis niya kahit papaano nang mapagmasdan ang loob ng kuwarto. It was a room with pride. May isang king-sized bed ang nasa gitna niyon na nang-aakit na mahiga siya doon at magpahinga. May malaking wardrobe rin ang nasa isang gilid ng kuwarto. Napatawa siya dahil kakaunti lang naman ang ilalagay niyang gamit doon.
Lumakad siya patungo sa isa pang pintong naroroon. She opened it and was surprised to see a bathroom made of expensive kinds of glass. Parang nakakahiyang hawakan o dumihan ang lugar na iyon.
Napailing siya at napahawak sa ulo. Nahihilo na siya sa laki at ganda ng bahay na ito. How could someone afford this kind of jaw-dropping house?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now