Chapter 26.10

2.6K 23 0
                                    

NAGISING si Thaddeus nang maramdaman na wala na sa tabi niya si Elij. Bumangon siya at ilang ulit na tinawag ang pangalan nito. Nasaan kaya ito?
Napatingin siya sa cell phone na nasa bedside table nang tumunog iyon. Kinuha niya iyon at binasa ang mensaheng nakapaloob doon. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang larawan ng kapatid ni Elij na si Sam na hawak ng isang may armas na lalaki. Nakasulat sa ilalim niyon na kung gusto niyang iligtas ang bata ay pupunta siya sa address na nakalagay doon ng walang kasamang mga pulis.
Mabilis siyang tumayo at nagbihis. Muli niyang tinawag si Elij pero wala talaga ito. Malamang ay nakatanggap din ito ng ganoong mensahe at naroroon na sa lugar na iyon. Napuno ng kaba ang buong pagkatao niya sa kaalamang nanganganib ang buhay ng mga ito.
Pagkarating sa sasakyan ay pinaharurot niya iyon patungo sa lugar na kinaroroonan ng mga ito. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa lumang gusaling iyon.
Hindi na siya nagdalawang-isip at mabilis na tumakbo papasok sa loob. Agad niyang nakita doon si Elij na hawak ng isang lalaki, hindi kalayuan dito ay ang kapatid nitong si Sam na hawak naman ng isa pa. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Elij pagkakita sa kanya.
Nalipat ang tingin niya kay Rachel Leigh na naroroon din at gulat na nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo niya. Anong ginagawa nito dito?
Hindi niya na iyon napagtuunan ng pansin nang marinig ang pagkasa ng baril.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz