Chapter 13.4

2.5K 35 0
                                    

“ANONG tinitingnan mo diyan?” narinig ni Elij na tanong ni Thaddeus. Naupo ito sa sofa katabi niya at inagaw ang magazine na hawak niya.
Napailing siya. Wala ba itong pinag-aralan at basta-basta na lang nang-aagaw ng binabasa ng iba?
“Tumitingin ka ng baril?” manghang tanong nito.
Itinuro niya ang larawan na nasa magazine. “That’s a martini sniper rifle,” tukoy niya sa larawan na kanina pa tinitingnan. “Matagal ko ng gustong makakita at makahawak niyan.” She liked handling guns, matagal siyang nagsanay ng gun firing noon para sa self-defense. Pero hindi niya pa rin matatalo ang kaibigan niyang si Rachel Leigh sa pagiging sharp shooter. Pareho silang kaliwete pero hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang talento ni Rachel sa paghawak ng baril. Ngunit hindi katulad niya, wala itong hilig sa mga baril, mas hilig pa nito ang paghawak ng gitara at pagtugtog.
Kumusta na kaya ang kaibigan niyang iyon? Matagal-tagal na rin siyang walang balita dito. Napaka-tahimik talaga nitong mag-trabaho.
Bumalik ang atensiyon niya kay Thaddeus nang ipatong nito sa mesa ang magazine. Nakangiti itong tumitig sa kanya. “Ang ganda-ganda talaga ng diyosa ko,” wala sa usapang wika nito.
Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito. Hindi niya nagawang pigilan ang mabilis na tibok ng puso niya. Ano bang problema niya at nagpapadala na siya sa mga pambobola nito ngayon?
Nagitla pa siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell sa labas. Tumayo siya at tumungo sa labas, gusto niyang makalayo dito sandali para kalmahin ang sarili.
Napagbuksan niya ng gate ang isang babae, nakasuot ito ng hapit na blouse at maikling shorts. Nasa magandang mukha nito ang pagkainis. “Nasaan si Thaddeus?” bungad na tanong nito.
“Nasa loob siya, at ikaw si?” tanong niya rin dito.
Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. “Ikaw siguro ang bodyguard niya,” wala sa tanong na sagot nito. “Gusto ko siyang makita,” pagkasabi noon ay tinabig pa siya nito at dire-diretsong pumasok sa loob.
Hindi siya makapaniwala sa kabastusang ginawa nito. Mukha pa naman itong may pinag-aralan, hindi lang alam kung paano gamitin iyon. Naiinis siyang sumunod dito.
“Thaddeus!” narinig niyang tawag nito sa lalaki nang makarating sa living area.
Biglang napatayo si Thaddeus nang makita ito. “Shane, oh no, Carol,” ngumiti ito at napakamot sa ulo.
“Pati pangalan ko nakalimutan mo na rin,” naiinis na wika ng Carol na iyon at nagmamartsang lumapit sa lalaki.
Siya naman ay nanatili lang na nakatayo hindi kalayuan sa mga ito. So, isa ba ito sa mga babae ng lalaking ito?
“Nakalimutan mo rin na birthday ko kahapon, sinabi kong pumunta ka sa bahay, hindi ba?” pagpapatuloy ng babae. “I kept on calling you, hindi mo naman sinasagot!”
Humugot ng malalim na hininga si Thaddeus. “Hindi ko nakalimutan ang birthday mo. Hindi ko lang talaga alam ang date kahapon, pati nga ngayon hindi ko alam kung anong date na,” palusot pa nito. “Ano nga bang date ngayon, Elij?” tumingin ito sa kanya at ngumiti.
Inirapan niya lang ito at hindi sinagot.
“Huwag mo akong lokohin, Thaddeus!” sigaw ng babae, nawala na ang composure nito. “I thought we were dating!”
“Dating?” hindi makapaniwalang ulit ni Thaddeus. “Carol, akala ko ba napag-usapan na natin ito noon? Sinabi ko sa’yo kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay.”
“Damn you!” mura dito ni Carol. “I hate you so much, Thaddeus!”
Napabuntong-hininga si Thaddeus. “I’m really sorry, Carol.”
Muling minura ng babae si Thaddeus bago nagdadabog na umalis.
Napahalukipkip siya at napabuntong-hininga. She just witnessed how this man threw out a woman in his life. “Ganyan mo ba talaga tina-trato ang mga babaeng pinagsawaan mo na?” puno ng inis na wika niya dito.
Bumuntong-hininga ito. “Matagal ng tapos ang relasyon naming dalawa. Isang taon na simula ng tumungo siya sa States. Malinaw ko namang sinasabi sa mga babae ko ang estado nila sa buhay ko. That I don’t accept a long time relationship, pumapayag naman sila doon. Ang alam ko ay may bago siyang dine-date na modelo ngayon kaya dapat lang na hindi ko na sagutin ang mga tawag niya,” napailing pa ito.
Umismid siya. “Ginagawa mo lang talagang laruan ang mga babae.”
“It’s not that,” pagtanggi pa nito. “Hindi naman ako namimilit kung ayaw ng isang babae. There are a lot of women there who are more than willing to warm my bed with no strings and all.”
“Yeah, warm your bed,” ulit niya sa sinabi nito sa sarkastikong paraan. “Iyon lang naman ang tumatakbo sa isipan mo.” Sobra-sobra na ang pagkainis niya dito. Ilan pa kayang babae ang susugod dito? “Mabuti na lang at wala kang nadi-disgrasya sa kanila.”
Nagkibit ito. “I never failed to use a contraceptive, sweetie,” tumawa pa ito ng nakakaloko.
“Tigilan mo nga iyang kaka-sweetie mo sa akin,” pagalit niya dito. “Nandidiri ako.” Igagaya pa siya nito sa mga babaeng iyon?
Kumunot ang noo nito. “Bakit ka ba nagagalit sa akin?” may pagtatampo na sa tono nito.
Tiningnan niya ito ng masama. Nagtatanong pa ito? “Dahil sa ugali mo,” mariing sagot niya. Napaka-babaero nito!
“Huwag kang magalit sa akin dahil guwapo ako at maraming naghahabol na babae sa akin,” sabi pa nito. “Alam mo namang… sige na nga, ayos lang kung magalit ka dahil guwapo ako,” ngumiti pa ito.
“Hindi ako nakikipag-lokohan sa’yo!” hindi niya na napigilang bulyawan ito. Tinalikuran niya na ito at lumakad patungo sa sariling kuwarto. Inis na inis na talaga siya dito. Pero bakit ba siya maiinis dito? Puwede nitong gawin ang mga gusto nitong gawin.
Napabuntong-hininga siya nang makapasok sa sariling kuwarto. Isa lang ang posibleng dahilan ng pagkainis niya. Dahil nagseselos siya. Pero hindi, imposible iyon. Marahas niyang ini-iling ang ulo. Imposible ‘yon!

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon