PASADO alas-onse na ng gabi nang makauwi si Elij sa bahay ni Thaddeus. Pagod na pagod na siya at ang tangi niya lang nais gawin ay magpahinga. Napatigil siya sa paghakbang nang makita si Thaddeus na nakahiga sa sofa ng living area.
Lumapit siya dito at napag-alamang nakatulog na pala ito. May hawak pa itong mga papeles sa kamay. Maingat niyang kinuha ang mga iyon at binasa. It was a legal separation contract. Napabuntong-hininga siya at malungkot na tumingin dito. Siguradong napakahirap para dito ang gumawa ng ganitong mga bagay – mga bagay tungkol sa paghihiwalay ng mga mag-asawa.
Tinitigan niya ito ng mahabang sandali. He looked so peaceful while sleeping. Marahan niyang inayos ang nakatabing na buhok sa noo nito at napangiti. Napagod siguro talaga ito sa trabaho nito at sa pakikipaglaro sa mga kapatid niya kaya kaagad itong nakatulog.
Bumaling siya sa folder na nasa mesa at ipinasok doon ang mga papeles na hawak. Pagkatapos ay maingat siyang tumayo para muling pagmasdan ito. Hindi niya gustong gisingin ito para lang palipatin sa kuwarto nito, sigurado siyang mahihirapan na naman ito sa pagtulog.
Bumuntong-hininga siya at lumakad patungo sa hagdan. Tumuloy siya sa kuwarto niya at kumuha ng isang kumot doon. Muli siyang bumaba at kinumutan ito. Muli niya itong tinitigan ng matagal at wala sa sarili na napangiti. Hindi niya maintindihan kung bakit masaya na siyang matitigan lang ito ng ilang saglit. Hindi niya na magawang maintindihan ang mga nararamdaman niya nitong nakaraang mga araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/198052992-288-k364172.jpg)
YOU ARE READING
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadon
RomanceElij applied as a personal assistant/personal bodyguard of the famous lawyer - Thaddeus Arzadon. Pero hindi gaya ng inaasahang gawain ng isang assistant, iba ang pakay niya sa pagpasok sa buhay nito. She had to stay near him to know his every move...