Chapter 1.2

4.5K 78 0
                                    

LUMABAS ng sasakyan niya si Thaddeus at sinundan ng tingin ang dinaanan ng babae – the woman who just turned up in front of his car out of the blue. Mukhang nagmamadali talaga ito at hindi na nagawang hintayin na makalabas siya.
Napangiti siya at napailing. Kung naging mas mabilis sana siya sa paglabas ay nahabol niya sana ito. Muli siyang pumasok sa loob ng sasakyan at muling pinatakbo iyon.
Hindi niya alam na may makakasalubong pala siyang diyosa dito sa Cebu. Damn, the woman was beautiful with those glaring eyes. His type of beautiful.
Nagkibit-balikat na lang siya. Baka naman dalawin siya sa panaginip ng diyosang iyon. At doon ay hinding-hindi niya na talaga ito pakakawalan hangga’t hindi ito nagpapalipas ng gabi sa ibabaw ng kama niya.
Napatawa siya sa naisip. Really, nababaliw na yata siya nitong nakaraang mga araw dahil sa sobrang dami ng trabaho. Idagdag pa ang pagpapatawag sa kanya ni Jeremy sa lugar na ito dahil sa mga kontrata ng pagbili nito sa ilang lupain dito sa Cebu.
Si Jeremy Fabella ay isa sa mga kabarkada niya at ka-breaker sa society nila – ang The Breakers Corazon Sociedad. Isa iyong society para sa mga lalaking kumikita ng milyon-milyon sa isang taon, mga lalaking madalas hindi mag-seryoso sa mga relasyon.
Napatingin siya sa cell phone na nasa compartment nang tumunog iyon. Isinuot niya ang earpiece at sinagot ang tawag. Si Jeremy iyon.
“Pare?” sagot niya. “Nasa daan na ako papunta diyan sa Hacienda niyo,” tinutukoy niya ang Hacienda Fabella na pag-aari nito. “May ipapasundo ka? Babae?”
Nakinig lang siya nang sabihin nitong nais nitong ipasundo ang isang babaeng nagngangalang Vanessa na pansamantala daw nakikitira sa hacienda nito. Gagabihin daw kasi ito ng uwi dahil nasa kabilang hacienda ito at kausap ang may-ari niyon.
Pumayag na rin siya dahil wala rin naman siyang gagawin kung wala ito at dahil babae rin naman ang susunduin niya. Sana kasing ganda ito ng diyosang muntik niya ng mabangga kanina.
Pagkatapos ng tawag ay tinawagan niya naman ang caretaker ng rest house niya sa Matutinao, Kawasan. Gusto niyang magbakasyon doon ng ilang araw para makapag-relax.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now