Chapter 14.3

2.5K 29 2
                                    

PAGKAPASOK na pagkapasok ni Elij sa sariling kuwarto ay agad niyang kinontak si Rachel Leigh. Laking pasasalamat niya nang sumagot ito.
“Rachel,” bungad niya. “Ikinasal ka na daw?”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. “Oo,” maikling tugon nito.
“B-Bakit?”
“Hindi iyon katulad ng iniisip mo,” sabi nito. “May dahilan si Christopher kung bakit niya naisipang magpakasal… sa akin,” muli itong napabuntong-hininga. “At napilitan akong pumayag dahil iyon ang utos ni Anthony.”
“Utos ni Anthony?” ulit niya. Bakit naman ganoon ang utos nito?
“Para daw mas masubaybayan ko siya ng ayos,” pagpapatuloy nito. “Mas malapit daw ako sa pribadong niyang buhay ngayon. Hindi ko alam, Elij. Sumusunod lang ako.”
Siya naman ang napabuntong-hininga. Alam niyang mahirap para dito ang sitwasyon nito ngayon. Bakit kailangang umabot pa sa ganito ang lahat? Bakit kailangang madamay pa ang buhay ni Rachel sa pag-aasawa? Paano na ito ngayon? Siguradong mapapako ito sa relasyong hindi naman nito gusto. Naaawa siya para dito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus Arzadonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن