Chapter 18.4

2.4K 29 0
                                    

NANG sumunod na araw ay napilitang bumaba ni Elij at harapin si Thaddeus kahit na inis pa rin siya dito. Pagkarating niya sa living area ay nakita niyang parang may hinahanap ito.
Lumapit siya dito. “Anong ginagawa mo?” tanong niya dito.
“Hinahanap ko ang cell phone ko.”
“Bakit? Nawawala?” tinulungan niya ito sa paghahanap.
“Actually, nagtataguan kami kanina pa,” pambabara na naman nito.
Tumigil siya sa pagtulong at tiningnan ito ng masama. “Kaunti na lang, susuko na akong kausapin ka, Thaddeus.”
Tumingin ito sa kanya at lumabi. “Hindi ka na ba galit sa akin?”
Inirapan niya lang ito. “Wala ka bang trabaho ngayon?” Nakasuot lang kasi ito ng plain shirt ay khaki shorts.
“Oh! Nakita ko na,” sabi nito at ipinakita sa kanya ang nakitang cell phone. “Hindi ako papasok ngayon. Gusto ko sanang mag-hiking at balak kong isama ka,” ngumiti pa ito.
Tumingin siya dito. “Hiking? Sa ganitong panahon?” Malimit kasi ang pag-ulan ngayong mga araw kaya medyo malamig na rin ang panahon.
Tumango ito. “Matagal na akong nagha-hiking ng ganitong buwan. Sigurado kasing marami na namang tambak na trabaho ang nag-aabang sa akin. Sige na, samahan mo na ako.”
Ilang saglit siyang nag-isip. Wala namang masama kung subukan niya ring mag-hiking kasama ito. Mukha namang confident ito at sanay na sanay na. “Sige,” pagpayag niya. “Ano bang kailangan kong dalhin?”
“Magdala ka lang ng isang pamalit na damit, ako na ang bahala sa iba pang kailangan,” nasa tono na nito ang excitement.
Maging siya ay nakaramdam rin ng pagkasabik sa magiging panibagong experience na iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now