Chapter 22.2

2.5K 22 0
                                    

ILANG linggo ang lumipas simula ng matapos ang kaso ng mga Domingo. Muli na ring nanumbalik ang kasiyahan ni Thaddeus at masaya siya sa bagay na iyon.
Pero ang hindi magawang maunawaan ni Elij ay ang patuloy na kaguluhan sa puso at isipan niya. Patuloy niyang itinatanggi sa sarili na wala siyang nararamdaman para dito pero alam niyang hindi siya nagtatagumpay.
Gustuhin niya mang umagwat dito ay hindi niya magawa. She always wanted to hold his hand, to laugh with him, to be beside him while walking, sitting and even sleeping, to look into the light of his eyes and to kiss his lips. She wanted to do all that. She wanted to be with him always.
Naiinis siyang napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga sa kama. She must be crazy. Tama, baliw na nga yata talaga siya. At kailangan niya ng makakausap ngayon para bumalik sa matinong daloy ang isipan niya.
Inabot niya ang cell phone na nasa mesa at idi-nial ang numero ni Rachel Leigh. Ilang linggo na rin simula ng huli niya itong makita at makausap.
Ilang sandali bago nito sinagot ang tawag. “Rachel,” bati niya dito.
“Oh, Elij?” halata sa boses nito na kagigising lang nito. “Bakit?”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Nahihiya siya dahil inabala niya pa ang pagtulog nito. “Pasensiya ka na, Rachel,” sagot niya. “Wala lang talaga akong makausap ngayon.”
“May problema ba?” tanong nito, nasa tono nito ang pag-aalala.
Malungkot siyang napabuntong-hininga. “W-Wala naman… Mayroon lang kasing…” Paano niya ba sasabihin dito ang pino-problema niya ngayon? “Mayroon lang kasing gumugulo sa isipan ko.”
Ilang saglit itong natahimik sa kabilang linya. “Tungkol ba kay… Thaddeus?” tanong nito na ikinagulat niya.
Paano nito nalaman? Masyado na ba siyang obvious sa mga nararamdaman niya noon pa?
Narinig pa niya ang mahinang pagtawa nito. “Mukhang tama ako?” tanong pa nito.
“I-It’s not like that, Rachel,” pagtanggi niya pa. “Hindi ko lang—”
“You love him, right?” putol nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. “No!” umiling pa siya kahit alam niyang hindi naman siya nito nakikita. “No, I don’t love him,” patuloy na pagde-deny niya. “I will never love him…”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum