Chapter 26.9

2.5K 23 1
                                    

PAGKAPASOK ni Elij sa isang abandonadong gusali ay agad niyang nakita ang kapatid niyang si Sam na hawak ng isang lalaking tauhan ni Anthony. May hawak itong baril sa isang kamay. Nalipat ang tingin niya kay Drake nang tumayo ito mula sa kinauupuan nito at humakbang palapit sa kanya.
“Hayop ka!” Galit na galit siyang sumugod dito.
Napigilan nito ang kamay niya at malakas na pinadapuan ng sampal ang mukha niya. Napabagsak siya sa sahig. Narinig niya rin ang pag-iyak ng kapatid at pagtawag nito sa kanya.
Pinilit niya ang sariling tumayo kahit umiikot pa rin ang paningin niya. Muli niyang hinarap ang hayop na Drake na iyon. “Alam ba ito ni Anthony, Drake?” tanong niya dito. Hindi niya nakikita si Anthony sa lugar na iyon kaya posibleng kagagawan lang ito ng lalaking ito.
Matalim ang tinging ibinigay sa kanya ni Drake. “Si Anthony mismo ang nag-utos nito,” sabi nito. “Galit na galit siya sa’yo. Traydor ka!”
“Hindi ko gustong mag-traydor sa inyo, Drake,” wika niya pa. “Pakawalan mo na ang kapatid ko. Paharapin mo sa akin si Anthony, luluhod ako sa kanya at magmamakaawa.”
“Hindi madadala sa pagmamakaawa iyon, Elij,” hinablot nito ang braso niya at kinaladkad siya patungo sa kinatatayuan ng kapatid.
Gusto niyang tumakbo palapit sa kapatid pero pinigilan siya ni Drake. “Wala pa ang main event ng palabas na ito, Elij. Maghintay muna tayo dito.”
Napatingin sila sa bungad nang pumasok doon si Rachel Leigh, puno ng pag-aalala ang mukha nito.
“Oh, Rachel,” bati dito ni Drake. “Nagpunta ka ba dito para makita ang paghihirap nitong traydor nating kasamahan?”
“Anong ibig sabihin nito, Drake?” tanong ni Rachel sa lalaki.
“Huwag ka ng makialam dahil ito ang utos ni Anthony,” buong-diin na sagot ni Drake.
Napatigil sa paghakbang si Rachel at napatingin sa kanya. Nagmamakaawa ang tinging ibinigay niya dito. Pero alam niyang wala rin itong laban kay Anthony. Bakit ba nakulong sila sa mga masasamang taong ito?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now