Chapter 27.6

2.7K 33 1
                                    

NAPATINGIN si Thaddeus kay Rachel Leigh nang pumasok ito sa loob ng kuwartong kinalalagakan niya. Lumapit ito sa kama niya at tinulungan siyang umupo.
“Nakita mo na ba siya?” agad na tanong niya dito.
Naupo ito sa upuang malapit sa kama niya at malungkot na napabuntong-hininga.
“Nasaan siya?” tanong niya pa.
“Umalis na siya, Thaddeus,” nakayukong tugon nito. “Pinigilan ko siya pero… hindi niya na daw gustong magpakita sa’yo.”
Parang pinagsasaksak ang puso niya sa sinabi nito. “B-Bakit?”
“Gusto ka daw niyang protektahan at magagawa niya lang iyon kapag wala na siya sa tabi mo,” pumiyok pa ito. “Ayaw ka na raw niyang saktan.”
Hindi ba nito alam na sinasaktan na siya nito ngayon? Ikinuyom niya ang mga kamao. Galit na galit siya. Akala niya ba mahal siya nito? Bakit iiwanan na lang siya nito ng ganoon-ganoon lang?
“Sinabi niyang kalimutan mo na raw siya,” dagdag pa ni Rachel.
Ipinikit niya ang mga mata. He wanted to curse his heart for hurting like this, breaking and shattering to pieces. “Fine,” sa wakas ay naisagot niya. “Iyon ang gusto niya? Sige,” iminulat niya ang mga mata.
Napatingin siya kay Rachel, may kalungkutan sa mga mata nito.
“Kakalimutan ko siya,” dugtong niya. “Kakalimutan ko siya na para bang hindi ko siya nakilala. Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari. Kakalimutan ko iyon na parang may sakit akong amnesia.” Kakalimutan niya rin ang lahat ng sakit sa puso niya ngayon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 9: Thaddeus ArzadonWhere stories live. Discover now