THF Part 1

24.6K 825 162
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

Feb 28, 2020

"Blas, ano ka ba naman. Bakit sira nanaman ang kadena ng bisikleta mo? Ang mabuti pa ay punasan mo ang kamay mo dahil madumi na ito. Bakit kasi ayaw mo pang mag pabili ng kotse sa parents mo?" tanong ni Evan sabay abot sa akin ng mamahalin panyo na galing pang Paris. Isang mayamang kaklase na walang ginawa kundi mag lustay pera araw araw, ang ibig kong sabihin, lahat naman doon ay mayaman dahil ang paaralan kung saan ako nag aaral ngayon ay ang isang sikat na campus dito sa bansa.

"Wala kaming pambili ng kotse. Ang aking ama ay namamasahe lang kapag pumapasok sa trabaho." sagot ko.

Natawa siya na may halong pang iinsulto. "Kung sa bagay, kaya ka lang naman nag aaral doon ay dahil sa scholarship na nakuha mo doon sa parafle ng grades."

"Hindi parafle ng grades iyon, pinag hirapan ko ito dahil naka pasa ako sa examination challenge nila." ang sagot ko naman, ginamit ko ang panyo at inabot sa kanya.

Napangiwi siya "Ngi, saiyo na iyan. Labhan mo ng mabuti dahil 125 thousand ang halaga niyan. Maswerte ka at nakapag punas ng ganoong halaga. O siya, sana bukas ay hindi na kita makitang nag aayos ng kadena ng bisikleta mo. World record kana e." ang sagot niya sabay sakay sa kanyang sasakyan.

Pinagpag ko ang panyo na hindi naman ganoong nadumihan at itinapat ko ito sa araw. "Paanong naging mahal ito? Parang manipis na tela lang naman na tinitinda doon sa palengke." ang pag tataka ko sa aking sarili sabay sakay sa aking biskleta at pumasok sa oval ng campus. Ang pinaka sikat na Universidad dito sa bansa.

Ang Empire University, isang paaralang pinapangarap ng mga ordinaryong taong katulad ko.

Part 1

Ako si Blas, 19 taong gulang, may taas na 5'7 at kasalukuyang nag aaral sa isang sikat na paaralan sa bansa. Ang "Empire University" kung saan big deal ang estado ng pamumuhay ng isang tao. Gayon pa man ay isa ako sa maswerteng nakapag aral dito dahil sa examination na ibinibigay nila sa mga mag aaral. Tuwing summer ay nag bibigay ang Empire ng limang pirasong exam para sa limang mag aaral na ineendorso ng kanilang mga high school. At sa limang nag take ng examination ay dalawa lamang ang makakapasa at kung minsan ay isa lang. Madali naman ang exam, siguro ay pinipili lamang rin nila ang kanilang papasukin sa final screening.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon