THF Part 113

6.5K 458 63
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 12, 2020

"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo?!!" sigaw ko.

Hinawakan ako sa mukha ang isang lalaki at nag wika ito. "Hindi kami ang may kailangan sa iyo. Kundi si Boss." ang wika niya

At dito lumakad ang lalaking may pamilyar na tindig sa aking harapan. Inalis niya ang kanyang bonet sa mukha..

Dito ay bumulaga sa akin si..

"Mr. Jeron?!" tanong ko.

"Ako nga Blas. Sige isakay niyo na iyan." ang utos nito habang naka ngising demonyo sabay salpak ng panyo na may nakakahilong amoy sa aking ilong..

Naging blangko ang aking paningin ay ang lahat ay huminto na..

Part 113

Natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa isang silya sa isang madilim na gusali. Nakatali ang aking katawan at ang tanging liwanag lamang dito ay ang isang maliit na bombilyang naka bitin sa aming itaas. Masakit pa rin ang aking ulo dahil sa nakakahilong amoy na aking nalanghap sa panyong itinapal sa aking ilong. Magulo ang aking isipan basta ang naalala ko lang ay inambush ang aming van at may kinalaman dito si Mr. Jeron ang kanang kamay ni Donya Briguela.

Inikot ko ang aking mata dito ay nakita ko si Yuji sa aking tabi na naka lungayngay na parang lantang gulay katabi sina Kiro, Gavin at Erjun.

Sa kabilang gilid ay nandoon ang dalawang tauhan na nang ambush sa amin nag lalaro ng baraha at sa kanilang tabi ay isang maliit na telebisyon kung saan naroon sa balita ang aming Van na iniwan sa paanan ng bundok.

REPORT: Ang Van na ito ay ang sinasakyan ng F4 kasama si Hunter Aramda kaninang pasado alas 4 ng hapon, ngayon nakita itong abandunado at may tama ng mga baril ang harapan. Wala ang naturang sakay ng van kaya naman hinihilang kidnapping ang lead sa pang yayari. Sa ngayon ay tinatrace pa ng mga kapulisan kung saan dinala ang mga biktima. At siyempre ay para maisalba ang kanilang buhay.

Samantala, Donya Armada, isinugod sa ospital noong malaman ang insidente pag kakadakip sa kanyang apo na si Hunter Armada. Siya ay nag offer na ng malaking halaga sa makapag tuturo sa mga nandukot umano sa mga biktima. Ibayong pag aalala rin ang lumukob sa bawat pamilya ng F4, nangako sila na hindi mapapalagpasin ang malagim na pang yayari ito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon