THF Part 96

6.7K 527 66
                                    

Poster by A ri el

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Poster by A ri el

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 6, 2020

Nag salita ito ng malakas.. "Makinig kayo lahat!"

"Makinig kayooo!"

Huminto ang music sa bar at sumindi ang ilaw. Ang lahat ng tao ay napatingin sa aming dalawa..

"Nice! Patutunayan ko sa inyo na itong si Hunter Armada at si Blas Herera na aking dating shota ko ay iisa. Ngayon tapos na ang panloloko mo!" ang wika niya sabay punit sa aking damit na ikinabigla ng lahat. "Maaaring maloko mo kami sa pisikal mong anyo pero ang peklat dulot ng operasyon sa iyong katawan ay hindi mawawala. Ipakita mo sa kanila ang ebidensiya na ikaw ay nag papanggap lang!" ang sigaw sabay hubad sa aking damit.

Part 96

Nakita ang aking tiyan, hinayaan ko siyang suriin ito. Pero wala siyang ibang nakita kundi ang aking abs na hindi pa ganoon ka perpekto. Hawak niya ang aking damit at tiningnan itong mabuti "nasaan na yung peklat ng opera mo? saan mo tinago?" tanong niya.

"Asan na?!" pag hahanap niya

"Anong bang sinasabi mo Mr. Guarin? Isa kang malaking dilusyonal. Hindi pa ako nag papa opera ng tiyan at walang rason para gawin ito. Alam mo napaka bastos mo, hindi mo dapat ginagawang katawa katawa ang peklat ng isang tao lalo't hindi mo alam ang dahilan kung bakit nila ito nakuha. Wala ka pala talagang kasing sama. Kung sino man si Blas, nakakaawa siya dahil ginagawa mong katawa tawa ang sugat niya sa katawan. At kung ako si Blas ay baka isinumpa na kita." ang wika ko sabay baba sa aking damit at lumakad ako palayo sa kanya.

"Waley naman pala, adik naman tong leader ng F4! Gwapo gwapo aanga anga!" ang wika ng isang beki sa gilid sabay sigaw. "Bakit namatay ang music? Bakit hindi tayo mag sayaw? Letss Parrtteyyyy!!"

Kumalabog ang musika at lahat nag patuloy sa pag sasayawan, walang pumansin sa napahiyang si Yuji Guarin..

Habang nasa ganoong pag layo ako ay biglang akong hinawakan ni Yuji sa braso. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. "Sabihin mo sa akin na ikaw si Blas! Sabihin mo!" ang sigaw niya, lasing na lasing ito at bago pa ako mag salita ay sinunggaban niya ng mapusok na halik ang aking labi..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon