THF Part 12

9K 557 34
                                    


Oabnithi Wiwattanawarang as Erjun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oabnithi Wiwattanawarang as Erjun

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 5, 2020

Part 12

Ang positibong tips mula sa mga griyego. Mag saya, ngumiti, huwag mag pakita ng negatibong emosyon at patayin sila sa kabaitan. Siguro panahon na rin para tingnan ko ang mga negatibong bagay sa positibong paraan. At ang lahat ng iyon ay mag sisimula ngayong araw. Pagod na rin akong makipag laban ng pisikal kay Yuji. Halos araw araw nalang at kahit sino naman ay tiyak na mag sasawa at mapapagod sa paulit ulit na routine at set up.

Pag bukas ko ng aking locker ay nakita kong gulo gulo ang aking gamit. Punit ang aking mga libro, ang aking P.E uniform ay ginupit gupit at binutas. Ang aking sapatos ay inalisan ng suwelas. Muling umakyat ang galit sa aking ulo at kumulo naman ang aking dugo. "Relax lang.. huwag magalit." ang bulong ko sa aking sarili sabay pikit at huminga ako ng malalim. Sinubukan kong gawing positibo ang sitwasyon.

Pag sara ko ng locker ay bumulaga sa akin ang kili kili ni Yuji na may makapal na buhok. Naka sando lang ito at galing pa sa swimming. Naka tayo ito sa aking harapan, naka kapit ang kamay sa pinto ng aking locker at mayabang ang tindig.

Tumingin ako sa kanya. "Ikaw pala master Yuji. Kamusta kana?" magiliw kong tanong.

"Ang lakas ng loob mong mangamusta! Matapos mo akong lasunin kahapon. Mabuti nga at buhay pa ako! Gusto mo ba ipakulong kita sa tangkang multiple murder?"

"Multiple Murder? Ano to masacre? Saka hindi naman ako ang may kasalanan noon master. Dapat minsan ay nakikinig sa taong mas mababa sa iyo." ang wika ko at kinuha ko ang lahat ng mga wasak na gamit sa aking drawer at isa isa itong isinilid sa plastic.

Natawa siya. "Iyan ang dapat sayo, sisiguraduhin ko na lahat ng gamit mo ay wawasakin ko. Pati bahay ninyo ay susunugin ko kapag gusto ko. Diba ang sabi ko naman sa iyo ay walang imposible kay Yuji Guarin! Mag dusa ka ngayon!" ang wika niya at tumawa pa ito noong makitang butas ang aking sapatos at naka nga nga pa ang suwelas nito. "Pakainin mo na yang sapatos mo, gutom na e." pang aasar pa niya.

Pero hindi ko siya pinansin..

"Kung sa bagay, basura ang mga gamit mo, mga basahan at nababagay lang ito sa mga katulad mong basura din." pang iinsulto pa niya sabay tawa ng pang iinis.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon