THF Part 30

8.4K 520 29
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 16, 2020

Part 30

"Oy Blas, bumangon kana diyan! Nandito si Darrio! Ano ka ba naman bata ka para kang mantika kung matulog!" ang maingay na boses ni mama sa labas.

Agad akong bumangon. "Ma, maaga pa, masakit ang ulo ko." ang sagot ko sabay bukas sa pintuan.

"Blas, sorry ha. Naistorbo kita. Naiwan mo ito doon sa shop kagabi. Okay kana ba?" tanong ni Darrio sabay abot sa akin ng kahon ng cellphone na ibinigay ni Yuji kagabi. Hindi ko alam na naiwan pala niya ito, halos wala kasi ako sa sarili kagabi dahilan magulong magulo ang aking isipan. Isa pa ay tuwing pipikit ako ay nakikita ko pa ang dissapointed na mukha ni Yuji kaya di agad ako dinalaw ng antok.

"Salamat Darrio, nga pala tingnan mo ito." ang wika ko sabay abot ng sobre sa kanya.

"Wow, invitation ito sa birthday party ni Biew Yamin. Kaso ay mamayang gabi na ito. Pupunta ka ba?" tanong niya.

"Samahan mo ako. May invitation rin si Bam kaya pupunta rin siya. Iyon nga lang ay formal ang party at walang akong damit. Kung hindi naman ako pupunta ay nakakahiya kay Biew, mabait siya sa akin at parati akong tinutulungan."

"Edi pumunta tayo sa party, mag hanap na tayo ng damit ngayon." excited na wika ni Darrio at dito ay napadaan si mama sa pinto.

"At anong party?" tanong nito kaya naman itinago ko ang invitation sa ilalim ng unan. "Wala ma. Wala ito."

"Anong wala? Hindi ako makapaniwala na natututo ka nang mag tago sa akin ngayon Blas. Akin na iyan!" ang pag agaw ni mama. "Aba isang sulat."

"Isang birthday card lang iyan ma."

"Kung birthday card ito dapat ang nakalagay ay Happy Birthday. Pero bakit ang naka lagay ay salitang lnvitation?" tanong ni mama.

"Ang totoo po noon ay invitation iyan para kaarawan ni Biew Yamin." ang wika ni Darrio.

"Si Biew Yamin? Ang sikat sikat na international celebrity, may ari ng mga clothing lines sa iba't ibang bansa at ang kanyang ama ay maraming pag aaring mga barko, eroplano, mag sasakyan at kung ano ano pa. Napaka yaman ng isang ito alam niyo ba iyon?" ang wika ni mama

"Kaya nga nag pasya ako na hindi nalang pupunta." sagot ko.

"Aba e bakit hindi? Invited kayo diba?"

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon