THF Part 21

8.6K 526 6
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 11, 2020

Part 21

"Kamusta kana 75% virgin boy?" tanong ni Erjun noong makita akong nag lalakad sa likod ng campus malapit sa kanilang building.

Lumapit ako sa kanila. "Bakit ba ganyan ang tawag niyo sa akin?"

"Iyon ay dahil 75% nalang ang natitirang virgin sayo. Hindi na virgin ang labi mo dahil nakuha na ito ni Yuji." ang pang aasar ni Gavin.

"Bakit ba malaking issue sa inyo ang virginity ng isang tao? Ano naman kung hindi na ito virgin?" tanong ko.

"Mahalaga sa isang lalaki na makuhang buo ang kanyang kapareha. Ikaw ba ay kumakain ng tira tira ng iba?" tanong ni Erjun

"Depende kung kaninong tira. Eh bakit ba?"

"Mali tayo ng pinag tanungan pre. Iba nga pala ang pag iisip ng isang iyan. Ang ibig sabihin ni Erjun ay mas maganda kung fresh at buo mong makukuha ang pag katao ng mahal mo. Yung ikaw yung unang mga papadama sa kanyang kakaibang sarap habang iwinawaksi mo ang iyong pag kabirhen. Katulad ng ginawa saiyo ni Yuji. Diba kakaibang experience ang unang halik?" tanong ni Gavin na may halong pang aasar.

Noong marinig ko iyon ay nag takip ako ng tainga at kinuha ko ang bote ng alak sa kanilang harapan saka ko ito itinungga na kanilang ikinagulat. "Teka malakas ang tama niyan, bakit tinungga mo?"

"Sa tuwing naalala kong hinalikan ako ng isang asong ulol ay gusto kong alisin ang bibig ko at itapon sa basurahan. O kaya ay gusto kong uminom ng maraming mouth wash dahil tiyak na kumalat na ang virus sa aking katawan."

"Kaya ininom mo ang alak para mahugasan ang bibig mo? Alam mo ba na sa aming apat ay si Yuji ang pinaka magaling humalik. Ilang babae ang umiyak at nag pakamatay dahil namiss ang halik niya." wika ni Gavin.

"Wala akong paki alam sa kanya." sagot ko sabay tungga ulit sa alak. "Kayong mga F4 ay mga player! Bola ang pinag lalaruan at hindi puso ng tao! Mag iingat kayo sa pag lalaro sa damdamin ng iba dahil baka maka tagpo kayo ng mas magaling mag laro sa inyo at sa bandang huli kayo ang matalo." ang wika ko sabay tayo at umalis ako sa kanilang harapan.

"Teka, kunin mo tong pulutan, sayang naman." ang pag habol ni Erjun.

"Tigilan niyo nga ako. Hik!" ang wika ko. Nag tuloy tuloy akong mag lakad patungo sa hallway hanggang sa mabunggo ko si Kiro na may hawak na mga libro.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon