THF Part 38

8K 544 74
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 21, 2020

Part 38

"Good morning Blas, nandito ka rin pala, ang aga mo ah. May bibilin ka ba?" tanong ni Gavin noong nag kita kami bilihan ng aklat.

"Bibili lang ako ng libro sa Management. Ikaw?" tanong ko.

"Nag hahanap ako ng issue bagong mens magazine. Teka, balita ko doon natulog si Yuji sa inyo noong nakaraang gabi. Mag kayakap pa nga raw kayo. Siguro naman may naganap na." ang hirit na tanong niya.

"Anong naganap?" tanong ko.

"Im talking about sex, siguro naman pinag bigyan mo ang kaibigan namin."

"Sira, walang naganap na ganoon." sagot ko sabay kuha ng librong kailangan ko. "Aalis na ako, may klase pa ako ng alas 11 ng umaga."

"O sige bro, see you sa campus." ang sagot ni Gavin at habang nasa ganoong posisyon ako ay napalingon ako sa isang gilid kung saan nakadisplay ang mga bagong supply na magasin. Dito ay naexcite ako noong makita ang aming larawan ni Nixon bilang cover ng isang magasin na ang tatak ay "Male Icon" featuring Asian School Boys.

Maganda ang pag kakashot ng aming larawan, ang aking mukha ay inosente at kakaiba ang expresyon. Samantalang si Nixon naman ay matapang ang datingan. Kapwa kami naka upo sa bath thub at nilagyan na rin ng effects ang backgroud para mag mukhang lumang CR ang settings ng larawan.

Perpekto ang issue larawan at pag kakashot nito, mukha akong artista at modelong pang international sa aking looks. Ngunit huli na noong malaman ko na ito ay isang Gay Magazine.

******

(Habang nasa labas ng campus si Blas ay nakabili ng issue ng magazine sina Lippi at Evan. Noong makita nila na si Blas ang cover nito ay agad silang nag punta kay Yuji para mag sumbong at lagay ng ibang palamuti sa naturang larawan.)

"Isang gay magazine? Ginawa ni Blas ito?" tanong ni Yuji habang pinag mamasdan ang larawan sa cover.

"Oo nga, at hindi namin akalain na tototohanin ni Blas yung pangarap niyang maging cover ng isang isang malaswang magasin na iyan. Syempre desente ang cover sa harap pero kapag pumasok sa loob ay mga lalaking naka brief na ang nandito." ang wika ni Lippi.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon