THF Part 32

9.7K 542 74
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 18, 2020

Part 32

Pag mulat ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili nakahiga sa aking silid. Dito ay pumasok si mama at kinatukan ako ng sandok. "Bakit nandito na ko?" tanong ko sa aking sarili.

"Siguro ay tinatanong mo sa iyong sarili kung paano naka uwi hano? Hinatid ka lang naman ni Mr. Yuji Guarin." ang masayang wika ni mama

"Bakit naman parang masayang masaya ka pa ma?"

Lumapit si mama at tinapik tapik ang ulo ko. "Alam mo anak, dito sa lipunan natin ngayon ay wala nang kaso kung sino ang kapareha mo. Hindi mahalaga kung ikakasal ka sa babae o kapwa mo lalaki. Kaya nais kong malaman mo na okay na okay sa akin si Mr. Yuji." ang wika niya sabay pakita ng isang kartolina. "Ano naman iyan?" tanong.

"Ito ang tinatawag na Cinderella Chart! Tingnan mo nakatala dito ang mga kaganapan sa buhay niyo mula day 1 kung saan bumisita dito si Mr. Yuji Guarin. Nandito rin ang day 2 kung saan bumalik siya dito para ikaw ay yayain sa isang date. At kagabi naman ay naka tala dito na hinatid ni Mr. Yuji ang lasing at bangag na si Blas sa bahay. Naku anak kaunting steps nalang ay matutupad na ang ating mga pangarap! Mula sa pagiging isang ugly duckling ay magiging isa kang magandang swan!" ang masayang sagot niya.

"Tigilan mo na nga iyan ma, nakakahiya."

"Mas nakakahiya yung ginawa mo kagabi. Alam mo ba na sinukahan mo ang mamahaling kasuotan ni Mr. Yuji Guarin. Naku anak, kung nag kataong nagalit sa iyo si Mr. Guarin ay katapusan na ng mga pangarap natin! Hala bumangon kana dyan at mag handa kana sa pag pasok. Ayusin mo ang sarili mo at pag nakita mo si Mr. Yuji ay mag sorry ka, lumuhod ka sa kanyang harapan at mag maka awang patawarin ka."

"Hindi ko gagawin iyon mama." ang sagot ko at noong bumangon ako ay naka ramdam ako ng masakit sa aking likuran. "Arekupp."

Napa nganga si mama. "Ayan na nga sinasabi ko may nangyari na sa inyo ni Mr. Yuji Guarin! Lasing ka kasi kagabi kaya hindi mo ito maalala!" ang pang gugulo pa ni mama.

"Walang ganon ma! Kung ano anong iniisip mo." sagot ko.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay dumating naman si Bam para sunduin ako. Nasabi ko nga pala sa kanya na wala na akong pamasahe kaya kailangan ko nalang sumabay sa kanya. "Kamusta kana Blas?" tanong nito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon