THF Part 91

7.1K 575 178
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 5, 2020

Part 91

"Good news Mr. Armada, nabili na namin ang ilang properties ng mga Guarin kabilang na ang Empire University. At masaya sila dahil ngayon lamang nakiisa ang Armada de Sobiel Corp. At dahil dito ay si Mr. Gido Guarin mismo ang nag iimbita sa iyo para sa kaarawan ng kanya anak na si Yuji Guarin sa susunod na buwan. Narito po ang video clip na ipinadala niya bilang invitation." ang wika ni Mr. Jeron sabay play sa video na galing sa mga Durran.

Dito ay bumulaga sa akin si Gido na naka suot ng mamahaling tuxedo, naka upo sa kanyang magarbo silya at ang kanyang mukha ay hindi matutumbasan ang pagiging maamo. Bagamat alam ko naman ang demonyong nakahimlay sa kanyang pag katao.

"Good day Mr. Hunter Armada, the CEO of Armada de Sobiel Corporation. With great honor, we would like to request for your presence on this coming Saturday, 14th of June for the my son's special night. We would highly appreciate if you will find time for you to be present on the said event. At sa tingin ko ay simula na rin ito ng isang magandang pag kakaibigan ng dalawang malaking korporasyon sa linya ng Hospitality at travel indurstry ang Armada de Sobiel at ang Guarin Corporation. See you."

Natawa ako at napaisip. "Tingnan mo nga naman nag simula ang pag hihirap ko sa Birthday party ni Yuji noon. At ngayon ay mag sisimula ulit ang lahat sa kaparehong party niya at sa pag kakataong ito ay sila ang mahihirapan at hindi ako." ang wika ko sa aking sarili habang nakatanaw sa logo ng mga Guarin naka post sa projector. Kinuha ko ang aking pang dart at binalibag ito. Tumusok ito sa gitna ng logo at kasabay noon ang pag ngiti ng aking mga labi. "Tingnan ninyo kung mayroon tayong makukuha sa mga Durria. Tiyak na ang desperadong korporasyon na iyan ay nangailangan ng makakapitan na parang isang lintang uhaw sa dugo." ang wika ko.

"May malaki utang ang Durria Corp sa isang malaking corporation sa US. Ang akala ng Durria ay makakabangon sila sa merkado at sumuporta ang Guarin dito, pero bumagsak rin agad ito at nahila pababa ang mga Guarin." ang wika ni Jeron.

"Kung ganoon ay mag tungo kayo sa Durria Corp at sabihin tayo ang mga babayad ng kanilang utang. Kung may pag kakautang rin ang mga Guarin ay bayaran niyo na rin. Paasahin sila na tayo ay kakampi. Na sila ay ililigtas ng Armada mula sa lagim na kanilang kinasasadlakan." sagot ko.

"Masusunod po Master." ang wika ni Jeron.

"Siguro naman ay sapat na ang pitong taon ng pamamayagpag sa merkado. Simula noong maganap ang political marriage nina Yuji at Vann ay talaga umangat ng husto ang mga Guarin dahil sa Durria. Pero nakalimutan nila na ang buhay parang gulong na umiikot lang. At ngayon patungo na sila sa ibaba ay lalo ko pa silang hihilain." ang wika ko sa aking sarili habang nakatanaw sa labas bintana ng aking gusali.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon