THF Part 84

6.1K 499 35
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

Hindi ko nagawang gumanti sa mga Guarin, ikaw ang gagawa nito para sa akin. Ang LAHAT YAMAN AT KAPANGYARIHAN AY IGINAGAWAD KO SA IYO! Simula ngayon ay bubuin mo ang iyong sarili, mag aaral ka ulit, babaguhin mo ang iyong pag katao at ikaw ay babangon para wakasan ang kasamaan ng mga taong minsang sumira ng ating buhay! Dumating na oras na ng ating paniningil Blas!

Sa pag labas mo sa silid na ito, ang pangalan Blas Herera ay pansamantalang mawawala. Ikaw ay kikilalanin bilang aking apo na si "Hunter Armada"

Part 84

Dalawang linggo ang nakalipas matapos ang desisyong ginawa ni Donya Briguela. Hindi ako tumanggi dahil may galit pa rin sa aking puso at hindi mawawala ito ng basta basta. Hangga't naalala ko ang lahat ay hindi ako matatahimik. Marahil ay talagang sinadya ng tadhana na mag tagpo kami ni Donya Briguela para maitama ang mali ng kahapon at para mabigyan namin ng hustisya ang aming mga sarili. Habang isinasalaysay niya ang pang yayari noon kung paano sila pinahirapan ng mga Guarin ay ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang mata. Nag uumigting ito na parang apoy na lumiliyab.

Naalala ko pa yung tanong ko sa kanya bago ako lumabas ng silid. "Bakit po hindi nalang kayo ang maghiganti?" tanong ko.

Napa kunot ang kanyang noo at binalibag ako ng folder sa kanya table. "Ano ka ba, hindi ka ba naawa sa akin? Masyado na akong matanda para makipag laban. At isa pa ay matandang hukluban na rin si Ramon, wala na ring silbi kung lalasunin ko siya. Pero ikaw? Lahat bago pala, ang sakit, ang panloloko, ang pang aapi. Lahat ay naranasan mo at sariwa pa ito. Gamitin mo iyan para maging malakas ka. Kalimutan si Blas dahil katulad ng mga bida sa telenovela tiyak lalambot ka lang pag nakaharap mo yung dati mong kasintahan. Huwag kang maaawa at huwag na huwag mong sasayangin ang pag kakataon. Aayusin ko ang bago mong katauhan, mula sa ID, documents, bank account. Ang kailangan mo lang gawin ay mag aral at mag pakatalino. Huwag kang maging marupok at bawal ang.."

"Tatanga tanga." sagot ko

"Buti alam mo!" ang sagot niya.

"Pero ano naman alam ko sa line of business ninyo Donya Briguela?"

"Kaya nga nag aral ka at nakapag tapos! Mahalaga ang makagraduate! Huwag kang mag alala dahil mayroong mga tutulong sayo. At ako rin mismo ang mag tuturo sa iyo ng pasikot sikot, ihanda mo ang iyong sarili, sa susunod na linggo ay mag uumpisa na tayo.." ang wika niya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon