THF Part 104

6.6K 469 31
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsomer Flower

Season 3

AiTenshi

April 8, 2020

Part 104

Sa pag bukas ng bagong araw ay naging masaya ang pananatili nina Kiro, Biew at iba pa sa bahay pahingahan ni Donya Briguela. Syempre ay naka gabay pa rin sila sa akin. Walang oras na hindi kami nag usap at nag kwentuhan ni Biew, bukod kay Kiro ay siya ang tumayong gabay ko at humila sa akin para magkaroon ng kalmadong pag iisip. At syempre ay nakatulong rin sa akin si Bam at Darrio sila ang aking pamilya kaya't kapag naalala ko ang lahat ng aming mga pinag samahan ay napapangiti ako at sinasabi ko sa aking sarili na "ako pa rin si Blas" kahit na anong mangyari.

"Ang laki ng pinag bago mo Blas. Sigurado kong pati si Yuji ay nasindak sa iyo." ang biro ni Biew habang naka upo kami sa pampang ng dagat. Parehong nababasa ang aming mga paa kapag tumatama ang alon dito.

"Sinadya kong baguhin ang aking sarili para mas maging epektibo ang pag babalik ko. Ginamit ko ang galit ko para mag bago." tugon ko.

"At ngayon tapos na rin ang lahat sa palagay ko ay bigyan mo na rin ng kapayapaan ang sarili mo." ang wika niya sabay tapik sa aking balikat.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ni Biew ay tumabi naman si Kiro sa akin. Pinagitnaan nila ako, at lahat kami naka tanaw sa asul na karagatan.

Tahimik..

"Tama si Biew, deserve mong maging masaya, kailangan mo ng kapayaan sa iyong puso. Kahit ang pinaka malakas na mandirigma sa mga epikong alamat at nag huhubad ng kalasag at nag papahinga para hanapin ang kapayapaang iyon na hindi matatagpuan sa walang katapusang pakikipag laban. Sana ay mahanap mo ang sa iyo." ang wika ni Kiro sabay tapik sa aking balikat.

"Tama si Kiro. Huwag mong pigilan ang sarili mo sa mga bagay na mag papasaya sa iyo. Sa lahat galit, hirap, sakripisyo at pagod mo ay deserve na deserve mong maging masaya." ang wika ni Biew habang naka ngiti.

"Salamat sa inyong dalawa. Ang akala ko ay mabubuang na ako, buti na nandito kayo." tugon ko. "Nga pala, ano plano niyong dalawa?" tanong ko.

"Engage na kami ni Biew, alam na rin ito ng aming pamilya. Hindi na rin sila tumanggi dahil alam nila ang mga bagay na ikakasaya ko." ang wika ni Kiro.

"At dahil alam nila na si Kiro ay isang tahimik na pasaway, kusa nalang aalis iyan at hindi na mahahagilap kapag hindi nasunod ang gusto." ang biro ni Biew

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon