THF Part 59

6.8K 458 40
                                    

Sai Aung as Yuji Guarin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sai Aung as Yuji Guarin

************

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 27, 2020

Tumingin sila ang tuwid sa akin..

Napatingin rin ako sa kanila..

"Bakit ganyan ang tingin niyo?" pag tataka ko

"Blas, kaya alang-alang kay Yuji ay mag panggap kang mayaman. Alam mo namang mahalaga ka sa kanya." ang paki usap ni Erjun

"Kahit wala kayong kinabukasan at medyo malabo ito ay gawin ang best mo. Pag butihan mo nalang mamaya." ang wika ni Gavin sabay tapik sa aking balikat.

Part 59

Alas 8 ng gabi noong venue ng kaarawan ni Yuji. Ito ay ang pinaka malaki at pinaka mahal na hotel sa bansa. Ang lahat ng pumapasok dito ay naka suot ng magagandang damit, mukhang tama nga sila Kiro, ang lahat ng nandito ay galing sa upper class, lupon ng malalaki at kilalang mga tao.

Kasama ko sila Kiro, Erjun at Gavin na umakyat sa function room kung saan ginaganap kaarawan ni Yuji, hindi ko maiwasang mapatingala at mapa nga nga habang nag lalakad. Para sa isang ordinaryong tao katulad ko na bihira ang makatapak sa ganitong lugar ay waring isang panaginip ito.

Noong makapasok kami sa loob ay nakita ko si Yuji na naka upo katabi ng ilang mga bisita niya. Naka suot ng suit na may pulang desenyo. Ang kanyang ngiti ay agad na masisilayan sa pintuan palang ng entrance. Kakaibang kagwapuhan ang masisilayan sa kanyang ngayong gabi at talaga namang ang lahat kinuhanan siya ng larawan na parang isang sikat na artista.

 Kakaibang kagwapuhan ang masisilayan sa kanyang ngayong gabi at talaga namang ang lahat kinuhanan siya ng larawan na parang isang sikat na artista

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon