THF Part 35

8.3K 506 8
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 20, 2020

Part 35

"Baka naman mali ang iisip mo tungkol kay Yuji, sobrang effort na niya na para maging malapit kayo sa isa't isa. Sure ka ba na ayaw mong sumama sa kanya sa summer vacation." ang tanong ni Darrio. "Nakakatuwa no? Biglang naging mabait si Yuji Guarin sa iyo."

"Isang chocolate cake please." wika ng isang customer.

"Sir anong drinks niyo?" tanong ko sa customer.

"Bigyan mo ako ng iced tea. Salamat." sagot niya kaya agad kong inayos ang order.

"Hindi ako maaaring sumama kay Yuji dahil nag mahal nanaman ang tuition fee sa Empire University. Ngayon ay halos doble sa regular na matrikula ko yung babayaran ko. Kaya sa summer ay mag hahanap ng partime job para makaipon." sagot ko kay Darrio. "Here is your order sir. Have a nice day." dagdag ko pa sabay ngiti sa customer.

"Thank you, nga pala narinig ko na kailangan mo ng extra income. Heto baka gusto mong sumama sa akin minsan." wika ng customer sabay abot sa kanyang calling card. "Ako nga pala si Nixon Jim, isang call center agent at part time na modelo. Maaari nating pag usapan ang tungkol sa trabaho kapag may time ka."

Kinuha ko ang card "Salamat, pero hindi naman ako pwedeng maging call center agent, di naman ako magaling makipag usap ng ingles."

"Pwede ka naman sumama sa akin bilang modelo. Maganda rin ang kita doon at makakaipon ka para sa pang tuition mo. Gwapo ka naman at magandang ngumiti. Paano? See you." ang wika niya habang naka ngiti.

"Salamat, tatawagan na lamang kita." ang sagot ko at inihatid ko pa sila sa pintuan.

"Subukan mong mag modelo Blas, saka isang magandang oportunidad na rin yan para makaipon ka." ang tugon ni Darrio.

"Oo nga e, hindi pa naman ako ganoon kadesperado para kumita ng pera pero ang matrikula ay mahal kaya'y kailangan ko itong pag handaan."

KINABUKASAN..

Umaga palang noong makatanggap ako ng tawag kay Nixon, nakuha niya ang numero ko sa shop at sinabi niya sa akin na mag kita kami mamaya pag katapos ng klase para pag usapan ang aming gagawin raket sa pag momodelo. Bago ako sumang ayon ay isinearch ko muna ang logo sa kanyang calling card at nalaman ko nga na ito isang modeling agency kaya batid kong hindi naman niya ako lolokohin.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon