THF Part 70

7.1K 539 245
                                    

Poser by Junoel LyCaster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Poser by Junoel LyCaster

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 30, 2020

"Oo nga, masaya ako na naging mag kasundo na sina Vann at Yuji. Pero gayon pa man ito ay ang kaparausahan mo sa ginawa mong pang gagamit sa katawan ng anak ko! Blas lumayas kana sa paaralang ito bago pa kita ipakulong sa pang hahalay sa aking nag iisang anak, at sa paninira mo ng relasyon ng dalawang taong ikakasal na. Bibilang ako ng dalawampu dapat ay nakalabas kana gate ng paaralang ito." ang wika nito at inutusan na ang tauhan niya na sumunod sa akin at mag bilang..

Isa..

Dalawa..

Agad akong tumayo at nag tatakbo pababa ng hagdan..

Hingal na hingal ako, pinag titinginan ako ng mga estudyante sa paligid. At noong iginawad ang bilang na pang dalawampu ay nakalabas na ako. Sinarado nila ang gate at sinunog ang aking ID..

Part 70

Isang linggo ang nakalipas..

Bumagsak ang pangarap ni mama noong malaman niya na wala na akong Empire University. Noong araw na iniwan ako ni Yuji ay ang pinaka huling araw na nakatapak ako sa paraalang iyon. Sinubukan ko pang bumalik pero hinarang na ako ng guwardiya at sinabing bawal pumasok ang isang outsider na katulad ko. Noong araw din iyon ay natapos ang aking pangarap kasabay ng pag kamatay ng aking puso..

Tahimik sa seawall, dito lang ako nakakaramdam ng kapayapaan ng aking puso at isipan..

Habang nasa ganoong posisyon ako ay narinig kong may tumawag sa aking pangalan. Pag harap ko dito ay nakita ko sina Jay at Bam. May dalang pag kain at inumin..

Agad akong tumayo para salubungin sila. "Blas, kamusta kana? Alam mo ba na ang daming umiyak noong paalisin ka sa campus. Maniwala ka, pati ang ating adviser ay nalungkot. Sina Lippi at Evan ay gumawa ng skandalo sa director's office at ipinabibigay nila ito sa iyo." ang wika ni Jay.

"Ano ito?" ang tanong habang hawak ang enveloped.

"Iyan ang transcript of records mo, mga grado mo sa Empire University. Binayaran iyan nila Evan at Lippi. Kung sakali raw na mag transfer ka sa ibang school ay maaari mong gamitin iyan para macredits ang iyong mga subjects." ang wika niya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon