THF Part 105

7.6K 538 99
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 8, 2020

"Kamusta ka?" tanong niya sa akin.

"Kunin mo yung basahan at linisin itong table ko." ang utos ko tumayo ako at inayos ang aking kurbata.

Agad naman siyang sumunod sa akin. Nag pupunas siya ng table at ako naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. "Ako rin ang driver mo ngayon." ang wika niya.

"Okay. Goodluck sa iyo Mr. Guarin." ang sagot ko sabay labas sa silid.

Part 105

"Mr. Guarin, anong masamang hangin ang nag dala sa iyo dito sa Armada Corp? Hindi ba sumagi sa isipan mo na ang lugar na pinasok mo ay balwarte ng kalaban? O talagang sinasadya mo ito para guluhin kami? Umaasa ka ba talaga na makakaganti ka sa akin?" tanong ko habang pinapanood siyang mag punas ng lamesa.

"Nag lakas loob lang akong mag apply dahil kailangan ko ng trabaho para masuportahan si mama at ang sarili ko. Wala akong kahit na anong masamang intensiyon." sagot niya.

"Malalaman ko rin iyan, at kung may binabalak ka man ay hindi ka mag tatagumpay." tugon ko. "Nga pala, yang table mo igawi mo pa doon sa gilid, huwag mong itatabi sa akin dahil hindi tayo mag kalebel." ang sagot ko sabay taas sa aking paa at kunwaring pinipindot ang aking cellphone para makaiwas ng tingin sa kanya.

"Ikaw? Kamusta kana? Siguro ay maluwag na ang kalooban mo ngayon dahil nagawa mo na ang gusto mo." wika niya.

"Oo, pero kulang pa rin." ang sagot ko.

"Anong kulang?" tanong niya.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "Ikaw. I'll make sure na susunod ka sa iyong asawa't ama doon sa kulungan."

"Wala nang bisa ang arrangement namin ni Vann. Ngayon ay ginagawa ko nalang normal yung buhay ko. Yung masaya, yung walang galit sa aking kapwa. At kung ipapakulong mo ako ay wala ka rin namang mapapala." ang tugon niya.

Hindi ako kumibo..

Natawa si Miss Justine..

"Kung ganoon ay mag papanggap nalang ako na hindi kita nakikita, kaysa wasakin mo pa ang araw ko." ang sagot ko naman. At habang nasa ganoong posisyon kami ay pumasok si Miss Justine. "Lunch? Welcome back my dear." masayang wika niya at nagulat pa ito noong makita si Yuji. "Oh, hi Mr. Guarin kamusta ang relasyon mo sa iyong boss?" tanong nito na parang nang aasar.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon