THF Part 66

5.8K 405 28
                                    

Cover by: Lyca Mae Mendoza

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: Lyca Mae Mendoza

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 30, 2020

"Anyway, direct to the point na tayo. Naparito ako para tanungin kayo kung mag kano ang kailangan ninyo para lumayo kayo kay Yuji? Mag kano ba ang kailangan mo Blas? Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Mag karoon ng pera?"

"Hindi ganoon, mahal namin ni Yuji ang isa't isa."

Kinuha ni Mr. Guarin ang tseke at pinirmahan ito. 10 million pesos. Lumayo ka sa anak ko Blas."

Hindi ako sumagot..

"Ayaw mo pa? 20 million pesos. Lalayo ka at hindi na mag papakita pa kay Yuji. Siguro naman ay sapat na yan." wika niya.

Part 66

"Good morning Blas, ang bati ni Jay noong mag katabi kami sa locker. "Kamusta ang exam mo?"

"Okay naman, salamat sa mga notes. Halos apat na semester nalang pala ay makakatapos kana dito sa EU. Pag husayan mo pa para maka graduate ka ng may mataas na karangalan."

"Salamat Blas, iyon talaga ang pangarap ko sa ngayon. Sana ikaw rin ay maka pag tapos ng may honor." ang naka ngiti niyang sagot.

"Sige, ganyan talaga kayong mga poorita mi amor, hoping nalang na makatapos dito sa school ng free. Alam niyo kahit makagraduate kayo dito ng may mataas ng karangalan ay empleyado pa rin ang bagsak niyo na sahod na minimum. Hindi naman porket nag tapos kayo dito ay aasenso na kayo no. Asa much." ang pag basag ni Lippi habang nag bubukas ng locker.

"Yun ang mga simpleng pangarap na pinang hahawakan namin. Masarap gumising sa umaga na mayroon kang nais makamit sa buhay mo. May challenge at mayroon kang layunin, may direksyon." sagot ko naman.

Tumingin sa akin si Lippi at rumampa ito sa aking harapan. "Wititit akes maniniwala sa iyo Blas, dahil epic failed ang love life mo at syempre ganun rin ang future mo. Una palang sinasabi na namin sa iyo na huwag kang umasa dahil hindi para sa iyo si Yuji, wala ka kasing alam sa buhay naming mga upper class!"

"Ginagawa ni Blas yung best niya para maging mas mabuting tao." sagot ni Jay.

"At para maging tanga, para siyang aso na patuloy nakasunod kay Yuji kahit na iiwan rin siya nito. Kinaibigan pa yung mapapangasawa ng tao. Ma take! Dyan na nga kayo, mga panget!" ang sagot nito sabay alis sa aming harapan.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon