THF Part 28

8.4K 499 62
                                    

Cover by Aldrin Carido

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Aldrin Carido

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 14, 2020

Part 28

"Blas." ang bungad ni Bam noong pumasok ako sa gate sa campus. Malungkot ito at parang santo santo ang mukha.

"Ayos ka lang ba? Bakit parang pinag sukluban ka ng langit at lupa?" tanong ko sa kanya.

"Blas, totoo bang nag date kayo ni Yuji kahapon?" tanong niya na may halong lungkot.

"Kanino mo naman nalaman iyan?" tanong ko.

"Iyon ang usap usapan ngayon dito. May naka kita raw sa inyo noong umagang mag stop over kayong dalawa sa gasoline station. Blas, kasintahan mo na ba si Yuji?" tanong niya.

"Ngi, ano bang sinasabi mo? Isinama lang niya ako doon sa farm para ipakita kung gaano siya kayaman. At isa pa ay iyon ang kondisyon noong matalo niya ako sa labanan namin." ang sagot ko.

"Malulungkot talaga ako kapag nalaman kong may kasintahan kana. Iiwan mo na ko."

"Bam, ano bang sinasabi mo, syempre ay hindi naman mangyayari iyon."

"Basta Blas, kapag nakaipon ako ng lakas ng loob ay liligawan kita ha." ang wika niya habang naka ngiti

"Anong liligawan ang sinasabi mo dyan?" tanong ni Yuji na biglang sumulpot sa aming likuran.

"Ikaw pala Yuji, tama ang rinig mo. Liligawan ko si Blas." wika nito.

"Nababaliw kana ba? Doon ka nga butiki ka. Mag patuli ka muna para tumangkad ka at mag jakol ka ng mas madalas para tumaba ka." ang wika nito sabay hila sa ulo ni Bam.

"Aray aray. Bitiwan mo nga ako. Hindi mo dapat ako ginaganito dahil member din ako ng F4."

"Anong member ang sinasabi mo dyan? F3 nalang kami ngayon. Hindi kana kasali dahil ni-yuyuck ka nila." ang sagot ni Yuji sabay tabig sa mukha nito para lumayo.

"Bakit ba nandito ka? Wala ka bang klase?" tanong ko.

"Kahit anong oras ay pwede akong pumasok dahil tutorial ako. Hindi ako nakikipag halubilo sa mga mag aaral." ang sagot nito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon