THF Part 65

5.8K 401 28
                                    

Cover by Allen Belisario

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Allen Belisario

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 29, 2020

Part 65

Dalawang araw ang lumipas matapos ang naging bakasyon namin ni Yuji. Halos tatlo araw rin kami ng hotel bago kami umuwi at bumalik sa normal naming buhay. Makasama siya ng ganoon katagal at ganoon kalaya ay parang isang panaginip. Sana ay may pag kakataon pa para maulit iyon.

"Blas.." ang pag tawag ng isang pamilyar na boses sa aking pangalan.

Pag lingon ko ay nakita ko si Vann na tumatakbo, may hawak na pag kain at naka ngiti. "Vann, ikaw pala."

"Long time no see, ang sabi nila Erjun ay nag kasakit ka. Pero hindi ako naniniwala doon. Alam kong nag bakasyon kayo ni Yuji, kasi nawala rin siya. Pero huwag kang mag alala dahil pinag takpan ko kayo kay tito Gido, ang sabi ko ay mag kasama kami pero hindi naman talaga. Para lang hindi sila magalit sa inyo." ang wika niya sabay hila sa akin sa gawing pahingahan.

"Salamat ha." ang tugon ko.

Inabot niya sa akin ang sandwich at inumin saka umupo sa aking tabi. "Ang weird no? Kung iisipin mo ay ang pangit tingnan, biruin mo kasama mo yung mapapangasawa ko." ang biro niya habang natatawa.

Hindi naka sagot..

"Pero don't worry. Wala namang kaso sa akin iyon Blas. Hindi ko naman mahal si Yuji, ang lahat ng ito set up lamang, parang isang pelikula na kailagan kong gampanan ang role para mabuo ang isang mahalagang scene. Wala akong paki alam basta ang alam ko lang ay nandito ako para gampanan ang misyon na ibinigay ng aking ama." ang wika niya.

"Mahirap ba?" tanong ko.

"Ang ano?"

"Yung buhay sa upper class. Yung ganyan na ipag kakasundo ka sa lalaking di mo gusto."

"Kung ang iisipin mo ay ang kinabukasan mo at sa pamilya mo ay mawawalan ka ng laya. Pero kung iisipin mo sarili mong kaligayahan ay hindi pa rin pwede. Sa parehong sitwasyon dapat ay italaga mo na ang sarili mo na may kapalit ang karangyaan na iyong tinatamasa. Ang magandang damit, ang magandang tahanan, ang masarap na pag kain, magagandang sasakyan at alahas. Lahat ng iyon ay makukuha mo kapalit ng iyong kaligayahang maging masaya sa piling taong gusto mo. Iyan ang sumpa ng isang anak ng CEO, para sa tradisyon at para sa kapangyarihan." sagot niya sabay ngiti sa akin. "Kaya Blas, maswerte ka dahil malaya kang mag mahal ng gusto mo."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon