THF Part 24

8.9K 545 38
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 12, 2020

Part 24

Naging trending sa buong campus ang tuluyang pag tanggal kay Kiro bilang member ng F4 at mas naging hot topic naman si Bam na siyang ipinalit dito. Umani ng samu't saring reaksyon sa social media ang larawan ng bagong F4 na nag lalakad sa hallway suot ang mag kakaparehong jacket kasama si Bam. May mga nagalit, may mga natuwa pero ang pinaka nakakalamang ay pinag tampulan ito ng tuwa lalo na ang mga estudyante sa upper class.

Samantalang pilit ko namang kinausap si Bam na tumiwalag na at huwag mag padala sa mga salita ni Yuji pero sa tuwing mag tatangka akong lumapit sa kanya ay pinipigilan ako ng kampon ng lider nila.

Tahimik..

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang naka upo sa rooftop..

"Iniisip mo ba si Bam? Sa palagay ko ay okay naman siya doon." ang wika ni Kiro habang abala sa pag babasa ng aklat.

"Hindi ko maiwasang mag alala lalo't ang kasama niya ay isang baliw at biglang nananakit." ang sagot ko.

"Sumabog ang galit ni Yuji noong nakaraang araw. Batid kong mayroong nanggatong sa kanya para tayo ay idiin at kamuhian niya ng lubos."

"At ang utak niya ay sadyang madumi." ang tugon ko habang nakatanaw sa asul na kalangitan..

Tahimik ulit.

"Teka, anong nararamdaman mo na inalis ka ni Yuji bilang F4?" tanong ko na may halong pang uusisa.

"Wala. Kahit miyembro ako ng F4 o hindi ay wala namang pag babago. Ako pa rin ito at sa huli ay matatagpuan ko pa rin ang aking sarili na naka upo dito sa rooftop, nag iisa at nag babasa ng paborito kong libro. Bata palang kami ay mag kakasama na kami nila Yuji, Erjun at Gavin. Kilala na namin ang isa't isa kaya ang ganitong bagay ay hindi ko nalang sineseryoso." ang sagot niya habang naka pako ang tingin sa kalayuan.

"Sana ay katulad mo ako na hindi nag tatanim ng galit sa kapwa."

"Ang bawat oras na dumaraan ay hindi na maaaring ibalik pa. Kung gugugulin mo ang iyong segundo sa negatibong bagay ay masasayang lang ito." sagot niya tapos ay tumahimim ulit at nag basa ng aklat.

Malalim, si Kiro ay parang isang karagatan na hindi ko maabot. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ako sa rooftop kasama ang isang tahimik at mailap na tao. Kung minsan ay nag sasalita at kadalasan ay hindi. Hindi rin siya ang tipo ng tao na katulad nina Erjun at Gavin na madalas ay kalokohan lang ang alam. Para siyang isang ride sa amusement part na mahirap sakyan dahil paliko liko ang obstacles at mahirap itong makasanayan. Noong mga sandaling iyon ay tahimik ko lang siyang pinag mamasdan, ni parang wala akong karapatang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon