THF Part 49

8.2K 504 57
                                    

Cover by Jester Aaron Dionisio

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Jester Aaron Dionisio

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 24, 2020

Part 49

Ang summer ang pinaka masayang bagay na naranasan ko ngayong taon. Masaya kami ni Yuji, ang bawat araw ay parang isang magandang pelikula na naka ukit sa aking isipan.

Ngunit ang isang magandang pelikula ay nag tatapos katulad ng summer. Ngayon naman ay nag bukas ang bagong semester sa Empire University. Naging epektibo rin ang commercial dahil marami ng 20% ang mga nag enroll dito kumpara noong nakaraang pasukan. Wala ring scholar, ang sabi nila ay itinigil na ang pag bibigay ng libreng oportunidad sa mga katulad kong walang pampaaral.

Habang nag lalakad ako sa hallway ay naka salubong ko si Bam. "Blas, kamusta kana? Sorry ha, nag karoon kasi ng emergency si papa sa probinsya kaya hindi na kita naaya sa bakasyon. Kung sa bagay ay naging boring ang summer ko dahil naka kulong lang ako sa bahay kaya heto pumuti ako at kuminis." ang wika niya.

"Oo nga, tumaba ka rin ng kaunti. Mas bagay sa iyo iyan." ang naka ngiti kong tugon at sabay kaming pumasok sa classroom.

Bago kami maka pasok sa pintuan ay bumalaga na sa amin ang maraming beki, lahat sila ay mukhang galit, mainit ang ulo at mga naka busangot. Gayon pa man ay ngumiti ako sa kanila at binati sila. "Good morning."

"Ano naman ang good sa morning? Nasira na agad ito noong makita ka namin. Bakit mag kasama kayo ni Papa Yuji sa bakasyon? Akala mo ba ay nakalimot na kami? Pwes, hindi kami nakakalimot dahil araw araw ay gigil na gigil kami sa iyo. Naipon na ito at we are going to explode na talaga!" ang wika ng isang beki na nakaharang sa pinto.

"Thats truewwww! Anong meron sa iyo Blas? Anong meron sa butas ng pwet mo na wala sa butas ng kepyas namin? Bakit ikaw pa?! Ang dami dami naming babaihang sexy at magaganda dito pero bakit ikaw?!!! Bakit ikaw na lalakihan ang naka kuha sa kanya?! Hindi na namin kaya ito! Hindi na!!" gigil na wika ng isa.

"Yeah right, hindi na namin kaya! Alam mo na kapag nakikita ka namin ay parang tinotorture kami?! Hindi namin matanggap na hindi ka maganda, hindi ka lalambutin at hindi ka gandang pang salon! Kung hindi kana makakatanggap ng Red card sa F4 pwes kami ang mag tutumba sa iyo." ang sagot ng isa.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon