THF Part 102

7.8K 528 70
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

BANG!!!

Tumama ang bala sa aking balikat malapit sa dibdib dahilan para matumba rin ako..

Naninikip ang aking pag hinga..

Napatingin ako sa kalangitan, ang pinag halong asul at puting kulay nito ay lumukob sa aking paningin..

Huminto ang lahat..

Wala akong naalala pa..

Part 102

Pag mulat ng aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng ospital. Makirot ang aking dibdib at ang aking balikat. Pinilit kong bumangon at tumayo pero pumasok si Mr. Jeron at ang nurse saka ako muling pinahiga. "Anong nangyari?" tanong ko. "Nasaan sila?"

"Shh, Mr. Armada, hindi makabubuti sa inyo ang gumalaw. Maga pa ang inyong sugat." ang pag pigil ng nurse.

"Huminahon ka, maayos na lahat. Tapos ang gulo." ang wika ni Mr. Jeron.

"Nasaan sila? Si Donya Briguela? Ang mga kalaban?! Hindi pa ako tapos sa kanila! Kailangan kong paalisin sa pwesto si Gido! Kailangan ay walang matira sa kanya." ang galit kong salita.

"Ssshh. Hunter, tama na. Tapos na lahat, nanalo kana. Wala nang sense para lumaban pa. Tapos na ang digmaan." ang sagot ni Mr. Jeron sabay kuha sa kanyang laptop. "Nirecord ko ang balita kagabi, halos laman tayo ng social media, pinag ppiyestahan tayo ng press sa buong siyudad.

Natahimik ako at pinanood ang report tungkol sa kaganapan matapos kaming barilin ni Vann Durria.

REPORT: What goes up, must come down! Its called "karma" baby and it goes around. Iyan ang linya sa kantang pinasikat ni Alicia Keys noong taong early 20s. Iyan rin ang eksaktong kaganapan umano sa revenge drama na naganap sa Guarin Corporation, Durria Corporation at ang Armada de Sobiel. Kung saan naningil umano ang Armada sa sinasabing "PAG KAKAUTANG" ang mga Guarin sa kanila.

Kitang kita camera kung paano binombet at binasa ng 20 truck ng bombero ang mga emplayado ng Guarin Corp, kasama na dito ang kanilang CEO na sina Gido Guarin, Yuji Guarin at Harlem Durria. Wala namang nasaktan sa kagapang iyon. Wet lang sila, just wet, very very wet.

Bukod sa pang yayari ito ay marami pang drama ang lumabas kabilang na ang pag baril ni Vann Duria kina Yuji Guarin at Hunter Armada dahil sa personal nitong galit. Napabalitang minsan ng pinag tangkaan ni Vann Durria si Hunter Armada sa CR ng isang sikat na mall dito sa siyudad. Sa ngayon ay nasa pribadong hospital sina Yuji Guarin at Hunter Armada matapos ang malagim na pag tatangka sa kanilang buhay. Si Vann Durria ngayon kasalukuyang naka kulong dahil sa kanyang pag kakasala.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon