THF Part 42

9.2K 596 92
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 22, 2020

Part 42

"Magandang umaga Blas." ang bati ni Gilbis noong pumasok ito sa aking silid.

"Tuloy po kayo Mr. Gilbis." ang bati ko naman. "Teka para saan po yang dala niyo?"

"Mga bagong damit ito, mga pantalon, branded na shirts, sapatos at mga shorts. Ipinabibigay po ito sa inyo ni Master Yuji. At pinasasabi po niya na mamayang gabi ay sabay kayong mag dinner. At ipinabibigay rin niya ito mamahaling cream pang alis ng pasa sa mukha."

"Nasaan ba siya?"

"Ngayon po ay nandoon siya sa meeting kaharap ang ilang business partner ng papa niya. Ginagawa po ng maayos ni Master Yuji ang kanyang tungkulin para ipakitang siya ay isang matino, responsable at kagalang galang na lalaki. Iyon po sabi niya na iparating ko sa iyo."

"Paki sabi sa kanya na labis akong humahanga sa kanyang kadakilaan, sana ay kalugdan siya ng kataas taasang ama at pag kaloob ng sagradong sandata." ang sagot ko habang natatawa pero seryoso itong isinulat ni Gilbis.

"Maraming salamat Blas, tiyak na matutuwa si Master Yuji sa inyong sagot."

Maayos na ang aking pakiramdam, nag pplano na rin akong umuwi sa bahay dahil tiyak nag aalala na rin si mama lalo't ilang araw na akong wala sa bahay. Naging masaya naman ang pananatili ko dito sa silid dahil dinadalaw ako nila Gavin at Erjun, dinadalhan ng pag kain at kung minsan ay dito sila nag iinuman para may kasama ako. Kung minsan naman ay dumadaan si Yuji para icheck ang aking kalagayan. Hindi nila ako masyadong iniistorbo hanggang sa maging mabuti na ang aking pakiramdam.

Kahapon lang ay nahuli na at iniharap lahat kay Yuji ang mga kasamahan ni Nixon, kanya kanyang iyak at hingi ng tawad ang mga ito pero sadyang matigas si Yuji at hindi ito nag patawad bagkus inalisan niya ng kabuhayan ang mga iyon at isa isang pinatalsik ang mga ito sa mga paaralan kung saan sila nag aaral.

Wala pang nagaganap na seryosong pag uusap sa pagitan namin ni Yuji, masyado kasi itong nag focus para hulihin ang kanyang mga kaaway, para itong isang bata na hindi titigil hanggang hindi nakakaganti sa mga nang api sa kanya.

Nag pahinga ako buong araw, hindi na ako naka kain ng maayos dahil parating bumibigat ang talukap ng aking mga mata kaya ang ending ay nahihiga ako at nakaka tulog ng maayos. Maraming miss call at text si Bam, sinagot ko naman ang mga ito at sinabing huwag siya mag aalala dahil nag papagaling ako.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon