THF Part 34

9.3K 543 39
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 19, 2020

Part 34

Alas 4 ng hapon, pag labas ko palang sa gate ng campus ay bumulaga na sa akin ang sasakyan ni Yuji. Pareho pa kaming naka suot ng uniporme at syempre ay hindi maiiwasan ang mga estudyante na nakiki usisa sa aming paligid. "Sakay na, baka isipin nila na inaakit mo pa ako." ang naka ngising hirit nito.

"Kapag mahirap ang sumama sa isang mayaman ay inaakit na agad? Bakit ganyan ang pag iisip mo?" tanong ko.

"Aba, sila ang nag iisip noon. O, para sa iyo." ang wika niya sabay abot sa akin ng isang kumpol na pulang bulaklak.

"Ano to?"

"Edi bulaklak, bulag ka ba? Para sa iyo iyan. Amuyin mo na. Diba ang mga babaeng binibigyan ng bulaklak ng mga boyfriend nila ay inaamoy ito at saka kikiligin. Gawin mo na." ang utos niya.

Hindi ako naka kibo, kakaiba ang feeling na makatanggap ako ng isang kumpol na bulaklak. Ito ang unang beses kong naranasan ito. Inamoy ko ang mga ito at saka ako ngumiti. "Salamat ha. Ngayon lang ako naka tanggap ng bulaklak."

Tumingin lang siya sa akin saka ngumiti. "Wala naman kasi lalaking mababaliw sayo. Hindi ka naman good looking, di ka rin mayaman. Kaya binigyan kita ng bulaklak, baka kasi di mo pa naexperience."

Humarap ako sa kanya. "Kaninang maga pa ako inaaway nina Lippi at Evan. Kotang kota na ko sa sama ng loob. Pwede wag mo na dagdagan?"

"Pag pinatulan mo yung dalawang baliw na iyon ay parang isa ka na rin sa kanila."

"Pag hindi ko sila pinatulan ay iisipin nila na okay lang sa kanila na saktan ako ng paulit ulit. Kaya kahit sinong mang api sa akin ay lalabanan ko. Kahit ikaw pa."

"Huwag mo nga akong idamay sa kabaliwan mo." ang sagot niya sabay liko patungo sa isang malaking gusali. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Doon sa bahay ko. Hindi ko na kailangan makipag date sa labas dahil may sarili ako restaurant sa loob, mayroon rin akong sarili cinema, may sariling arcade at swimming pool. Kaya ano pang hahanapin mo sa akin diba? Gwapo ako, mayaman, makisig at maginoo." pag yayabang niya

"Kamusta naman yung ugali mo? Mayabang at kinatatakutan ng mga student doon sa campus. Lumalapit ka palang ay tumatakbo na sila."

"Ikaw lang ang mahalaga sa akin. Wala akong paki alam sa kanilang lahat." ang sagot niya sabay baba sa kanyang sasakyan.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon